Amos 4:4
Amos 4:4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Mga mamamayan ng Israel,” sabi ng Panginoong Yahweh, “Pumunta kayo sa Bethel at doo'y gumawa ng kasalanan! Pumunta rin kayo sa Gilgal at dagdagan pa ang inyong mga kasalanan! Magdala kayo ng mga hayop na ihahandog tuwing umaga; magdala kayo ng ikasampung bahagi tuwing ikatlong araw.
Amos 4:4 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Kayong mga Israelita, pumunta kayo sa inyong sinasambahan sa Betel at sa Gilgal at dagdagan pa ninyo ang inyong kasalanan. Magdala kayo ng inyong mga handog bawat umaga at magdala kayo ng inyong mga ikapu tuwing ikatlong araw.
Amos 4:4 Ang Biblia (TLAB)
Magsiparoon kayo sa Beth-el, at magsisalangsang kayo; sa Gilgal, at paramihin ninyo ang pagsalangsang; at inyong dalhin ang inyong mga hain tuwing umaga, at ang inyong mga ikasangpung bahagi tuwing tatlong araw
Amos 4:4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)