Mga Gawa 9:17-18
Mga Gawa 9:17-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pumunta nga si Ananias sa naturang bahay at ipinatong ang kanyang kamay kay Saulo. Sabi niya, “Kapatid na Saulo, pinapunta ako rito ng Panginoong Jesus na nagpakita sa iyo sa daan nang ikaw ay papunta rito. Isinugo niya ako upang muli kang makakita at upang mapuspos ka ng Espiritu Santo.” Noon di'y may nalaglag na tila mga kaliskis mula sa mga mata ni Saulo at nakakita na siyang muli. Tumayo siya at nagpabautismo.
Mga Gawa 9:17-18 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kaya pinuntahan ni Ananias si Saulo sa naturang bahay at pumasok siya rito. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay kay Saulo at sinabi, “Kapatid na Saulo, ang Panginoong Hesus na nagpakita sa iyo sa daan habang papunta ka rito ang nagsugo sa akin. Inutusan niya ako rito upang muli kang makakita at mapuspos ng Banal na Espiritu.” Biglang may nahulog na parang mga kaliskis ng isda mula sa mga mata ni Saulo, at nakakita siyang muli. Tumayo siya at nagpabautismo.
Mga Gawa 9:17-18 Ang Biblia (TLAB)
At umalis si Ananias at pumasok sa bahay; at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya na sinabi, Kapatid na Saulo, ang Panginoon, sa makatuwid baga'y si Jesus, na sa iyo'y napakita sa daan na iyong pinanggalingan, ay nagsugo sa akin, upang tanggapin mo ang iyong paningin, at mapuspos ka ng Espiritu Santo. At pagdaka'y nangalaglag mula sa kaniyang mga mata ang mga parang kaliskis, at tinanggap niya ang kaniyang paningin; at siya'y nagtindig at siya'y binautismuhan
Mga Gawa 9:17-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pumunta nga si Ananias sa naturang bahay at ipinatong ang kanyang kamay kay Saulo. Sabi niya, “Kapatid na Saulo, pinapunta ako rito ng Panginoong Jesus na nagpakita sa iyo sa daan nang ikaw ay papunta rito. Isinugo niya ako upang muli kang makakita at upang mapuspos ka ng Espiritu Santo.” Noon di'y may nalaglag na tila mga kaliskis mula sa mga mata ni Saulo at nakakita na siyang muli. Tumayo siya at nagpabautismo.
Mga Gawa 9:17-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)