Mga Gawa 7:44-60 - Compare All Versions
Mga Gawa 7:44-60 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
“Kasama ng ating mga ninuno sa ilang ang Toldang Tipanan na ipinagawa ng Diyos kay Moises ayon sa anyong ipinakita sa kanya. Minana ito ng kanilang mga anak at dinala-dala habang sinasakop nila ang lupain ng mga bansang ipinalupig sa kanila ng Diyos sa pangunguna ni Josue. Ito'y nanatili roon hanggang sa kapanahunan ni David. Kinalugdan ng Diyos si David, at humingi ito ng pahintulot na magtayo ng tahanan para sa Diyos ng Israel. Ngunit si Solomon na ang nagtayo ng tahanang iyon. “Gayunman, ang Kataas-taasang Diyos ay hindi naninirahan sa mga bahay na ginawa ng tao. Sabi nga ng propeta, ‘Ang langit ang aking trono,’ sabi ng Panginoon, ‘at ang lupa ang aking tuntungan. Ano pang bahay ang itatayo ninyo para sa akin, o anong lugar ang pagpapahingahan ko? Hindi ba't ako ang gumawa ng lahat ng ito?’ “Napakatigas ng ulo ninyo! Ayaw ninyong magbago ng inyong kalooban! Ayaw ninyong dinggin ang katotohanang mula sa Diyos! Kung ano ang ginawa ng inyong mga ninuno, iyon din ang ginagawa ninyo ngayon; lumalaban kayong lagi sa Espiritu Santo. Sinong propeta ang hindi inusig ng inyong mga ninuno? Pinatay nila ang mga nagpapahayag tungkol sa pagparito ng Matuwid na inyo namang pinagtaksilan at ipinapatay. Tinanggap ninyo ang kautusang ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ng mga anghel, ngunit hindi naman ninyo ito sinusunod.” Nagalit kay Esteban ang buong Sanedrin nang marinig iyon at nagngitngit sila laban sa kanya. Ngunit si Esteban, na puspos ng Espiritu Santo, ay tumingala sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Diyos at si Jesus na nakatayo sa kanan ng Diyos. Kaya't sinabi niya, “Nakikita kong bukás ang kalangitan, at ang Anak ng Tao na nakatayo sa kanan ng Diyos.” Tinakpan nila ang kanilang tainga at nagsigawan; pagkatapos, sabay-sabay nilang sinugod si Esteban at kinaladkad palabas ng lunsod upang batuhin. Inilagay ng mga saksi ang kanilang mga balabal sa paanan ng isang binatang nagngangalang Saulo. At pinagbabato nila si Esteban, na nananalangin naman ng ganito: “Panginoong Jesus, tanggapin mo po ang aking espiritu.” Lumuhod si Esteban at sumigaw nang malakas, “Panginoon, huwag mo po silang pananagutin sa kasalanang ito!” At pagkasabi nito, siya'y namatay.
Mga Gawa 7:44-60 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Sinabi pa ni Esteban, “Noong naroon pa ang ating mga ninuno sa disyerto, dala-dala nila ang Toldang Tipanan kung saan nila sinasamba ang Diyos. Ginawa ang toldang ito ayon sa utos ng Diyos kay Moises at sa planong ipinakita sa kanya. Tinanggap ito ng ating mga ninuno na nasa pamumuno ni Josue. Dala-dala nila ito noong sakupin nila ang lupain ng mga bansang itinaboy ng Diyos mula sa kanilang harapan. Nanatili ito roon hanggang sa panahon ni David. Nalugod ang Diyos kay David, at humingi si David ng pahintulot na magpatayo ng bahay para sa Diyos ni Jacob. Ngunit hindi siya ang nagpatayo ng bahay para sa Diyos kundi si Solomon na anak niya. “Subalit ang Kataas-taasang Diyos ay hindi naninirahan sa mga bahay na gawa ng tao. Katulad ng sinabi ng propeta, ‘Ang langit ang aking trono, at ang lupa ang aking apakan. Anong uri ng bahay ang gagawin nʼyo para sa akin? sabi ng Panginoon. Anong lugar ba ang mapagpapahingahan ko? Hindi baʼt ako ang gumawa ng lahat ng bagay na ito?’” Sinabi ni Esteban, “Napakatigas ng ulo ninyo! Nagbibingi-bingihan kayo sa salita ng Diyos at ayaw nʼyong sumunod dito. Palagi ninyong kinakalaban ang Banal na Espiritu. Manang-mana kayo sa mga ninuno ninyo! Sino ba sa mga propeta ang hindi inusig ng mga ninuno ninyo? Pinatay pa nga nila ang mga nagpahayag tungkol sa pagdating ng Matuwid na Lingkod. At ngayong dumating na siya, kayo ang trumaydor at pumatay sa kanya. Kayo ang tumanggap ng Kautusang ibinigay ng mga anghel, ngunit hindi ninyo ito sinunod.” Nang marinig iyon ng mga miyembro ng Sanhedrin, galit na galit sila kay Esteban at nagngalit pa ang kanilang mga ngipin. Ngunit si Esteban ay napuspos ng Banal na Espiritu. Tumingala siya sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Diyos at si Hesus na nakatayo sa kanan ng Diyos. Sinabi ni Esteban, “Tingnan ninyo! Nakikita kong bukas ang langit at nakatayo ang Anak ng Tao sa kanan ng Diyos!” Kaya tinakpan nila ang kanilang mga tainga habang sumisigaw nang malakas, at sabay-sabay nilang sinugod si Esteban. Kinaladkad nila siya palabas ng lungsod at pinagbabato. Samantala, hinubad ng mga saksing laban kay Esteban ang kanilang balabal at iniwan sa paanan ng isang binatang ang pangalan ay Saulo. Habang binabato nila si Esteban, nananalangin siya, “Panginoong Hesus, tanggapin nʼyo po ang aking espiritu.” Pagkatapos, lumuhod siya at sumigaw nang malakas, “Panginoon, huwag nʼyo po silang papanagutin sa kasalanang ito!” At pagkasabi nitoʼy namatay siya.
Mga Gawa 7:44-60 TLAB (Ang Biblia)
Sumaating mga magulang sa ilang ang tabernakulo ng patotoo, ayon sa itinakda ng nagsalita kay Moises, na kaniyang gawin yaon alinsunod sa anyong kaniyang nakita. Na yao'y ipinasok din ng ating mga magulang sa kapanahunang ukol, na kasama ni Josue nang sila'y magsipasok sa inaari ng mga bansa, na pinalayas ng Dios sa harapan ng ating magulang, hanggang sa mga araw ni David; Na nakasumpong ng biyaya sa paningin ng Dios, at huminging makasumpong ng isang tahanang ukol sa Dios ni Jacob. Datapuwa't iginawa siya ni Salomon ng isang bahay. Bagama't ang Kataastaasa'y hindi tumatahan sa mga bahay na gawa ng mga kamay; gaya ng sinasabi ng propeta, Ang langit ay ang aking luklukan, At ang lupa ang tungtungan ng aking mga paa: Anong anyo ng bahay ang itatayo ninyo sa akin? sabi ng Panginoon: O anong dako ang aking pahingahan? Hindi baga ginawa ng aking kamay ang lahat ng mga bagay na ito? Kayong matitigas ang ulo, at di tuli ang puso't mga tainga, kayo'y laging nagsisisalangsang sa Espiritu Santo: kung ano ang ginawa ng inyong mga magulang, ay gayon din naman ang ginagawa ninyo. Alin sa mga propeta ang hindi pinagusig ng inyong mga magulang? at kanilang pinatay ang nangagpahayag ng una ng pagdating ng Matuwid na Ito; na sa kaniya'y kayo ngayon ay nangaging mga tagapagkanulo at mamamatay-tao; Kayo na nagsitanggap ng kautusan ayon sa pangangasiwa ng mga anghel, at hindi ninyo ginanap. Nang marinig nga nila ang mga bagay na ito, ay nangasugatan sila sa puso, at siya'y pinagngalitan nila ng kanilang mga ngipin. Datapuwa't siya, palibhasa'y puspos ng Espiritu Santo ay tumitig na maigi sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Dios, at si Jesus na nakatindig sa kanan ng Dios, At nagsabi, Narito, nakikita kong bukas ang mga langit, at ang Anak ng tao na nakatindig sa kanan ng Dios. Datapuwa't sila'y nagsigawan ng malakas na tinig, at nangagtakip ng kanilang mga tainga, at nangagkaisang siya'y dinaluhong; At siya'y kanilang itinapon sa labas ng bayan, at binato: at inilagay ng mga saksi ang kanilang mga damit sa mga paanan ng isang binata na nagngangalang Saulo. At kanilang pinagbatuhanan si Esteban, na tumatawag sa Panginoon at nagsasabi, Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu. At siya'y nanikluhod, at sumigaw ng malakas na tinig, Panginoon, huwag mong iparatang sa kanila ang kasalanang ito. At pagkasabi niya nito, ay nakatulog siya.
Mga Gawa 7:44-60 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Kasama ng ating mga ninuno sa ilang ang Toldang Tipanan na ipinagawa ng Diyos kay Moises ayon sa anyong ipinakita sa kanya. Minana ito ng kanilang mga anak at dinala-dala habang sinasakop nila ang lupain ng mga bansang ipinalupig sa kanila ng Diyos sa pangunguna ni Josue. Ito'y nanatili roon hanggang sa kapanahunan ni David. Kinalugdan ng Diyos si David, at humingi ito ng pahintulot na magtayo ng tahanan para sa Diyos ng Israel. Ngunit si Solomon na ang nagtayo ng tahanang iyon. “Gayunman, ang Kataas-taasang Diyos ay hindi naninirahan sa mga bahay na ginawa ng tao. Sabi nga ng propeta, ‘Ang langit ang aking trono,’ sabi ng Panginoon, ‘at ang lupa ang aking tuntungan. Ano pang bahay ang itatayo ninyo para sa akin, o anong lugar ang pagpapahingahan ko? Hindi ba't ako ang gumawa ng lahat ng ito?’ “Napakatigas ng ulo ninyo! Ayaw ninyong magbago ng inyong kalooban! Ayaw ninyong dinggin ang katotohanang mula sa Diyos! Kung ano ang ginawa ng inyong mga ninuno, iyon din ang ginagawa ninyo ngayon; lumalaban kayong lagi sa Espiritu Santo. Sinong propeta ang hindi inusig ng inyong mga ninuno? Pinatay nila ang mga nagpapahayag tungkol sa pagparito ng Matuwid na inyo namang pinagtaksilan at ipinapatay. Tinanggap ninyo ang kautusang ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ng mga anghel, ngunit hindi naman ninyo ito sinusunod.” Nagalit kay Esteban ang buong Sanedrin nang marinig iyon at nagngitngit sila laban sa kanya. Ngunit si Esteban, na puspos ng Espiritu Santo, ay tumingala sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Diyos at si Jesus na nakatayo sa kanan ng Diyos. Kaya't sinabi niya, “Nakikita kong bukás ang kalangitan, at ang Anak ng Tao na nakatayo sa kanan ng Diyos.” Tinakpan nila ang kanilang tainga at nagsigawan; pagkatapos, sabay-sabay nilang sinugod si Esteban at kinaladkad palabas ng lunsod upang batuhin. Inilagay ng mga saksi ang kanilang mga balabal sa paanan ng isang binatang nagngangalang Saulo. At pinagbabato nila si Esteban, na nananalangin naman ng ganito: “Panginoong Jesus, tanggapin mo po ang aking espiritu.” Lumuhod si Esteban at sumigaw nang malakas, “Panginoon, huwag mo po silang pananagutin sa kasalanang ito!” At pagkasabi nito, siya'y namatay.
Mga Gawa 7:44-60 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))