Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Gawa 5:12-29 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Mga Gawa 5:12-29 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Maraming himalang ginawa ang mga apostol, na pawang nasaksihan ng mga tao. Sa Portiko ni Solomon nagtitipon ang mga mananampalataya, ngunit natatakot sumama sa kanila ang mga di mananampalataya, kahit na humahanga ang mga ito sa kanila. Samantala, parami nang parami ang mga lalaki at babaing nananalig sa Panginoon. Dinadala sa mga lansangan ang mga maysakit at inilalagay sa mga papag at banig upang pagdaan ni Pedro ay matamaan man lamang ng kanyang anino ang ilan sa kanila. Dumating din ang maraming tao mula sa mga karatig-bayan ng Jerusalem, dala ang kanilang mga maysakit at mga pinapahirapan ng masasamang espiritu; at gumaling silang lahat. Nainggit sa mga apostol ang pinakapunong pari at ang mga kasamahan niyang Saduseo, kaya't kumilos sila. Dinakip nila ang mga apostol at ibinilanggo. Ngunit kinagabiha'y binuksan ng isang anghel ng Panginoon ang bilangguan at inilabas ang mga apostol. Sinabi nito sa kanila, “Pumunta kayo sa Templo at ipahayag sa tao ang buong mensahe tungkol sa bagong pamumuhay na ito.” Kaya nang mag-uumaga na, pumasok sa Templo ang mga apostol at nagturo sa mga tao. Nagtipon naman ang pinakapunong pari at ang kanyang mga kasamahan, at tumawag ng pangkalahatang pulong ng buong Sanedrin. Ipinakuha nila sa bilangguan ang mga apostol, ngunit ang mga ito ay wala na nang dumating doon ang mga kawal kaya't nagbalik sila sa Sanedrin at nag-ulat, “Nakita po namin na nakasusing mabuti ang pintuan ng bilangguan at nakatayo roon ang mga bantay. Ngunit nang buksan namin, wala kaming nakitang tao sa loob!” Nang marinig ito, nabahala ang mga punong pari at ang kapitan ng mga bantay sa Templo. Hindi nila maubos-maisip kung ano ang nangyari sa mga apostol. Siya namang pagdating ng isang taong ganito ang sabi, “Tingnan po ninyo, ang mga lalaking ipinakulong ninyo ay naroon sa Templo at nagtuturo sa mga tao.” Kaya't pumunta sa Templo ang kapitan, kasama ang kanyang mga tauhan. Isinama nila ang mga apostol, ngunit hindi sila gumamit ng dahas sa pangambang baka sila pagbabatuhin ng mga tao. Iniharap nila sa Sanedrin ang mga apostol at siniyasat sila ng pinakapunong pari. Sinabi niya, “Hindi ba't mahigpit namin kayong pinagbawalang mangaral sa pangalan ng Jesus na iyan? Ngunit tingnan ninyo ang inyong ginawa! Laganap na sa Jerusalem ang inyong itinuturo at nais pa ninyo kaming papanagutin sa pagkamatay ng taong iyan!” Sumagot si Pedro at ang ibang mga apostol, “Sa Diyos kami dapat sumunod, at hindi sa tao.

Mga Gawa 5:12-29 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Maraming tanda at kababalaghang ginawa ang mga apostol sa kalagitnaan ng mga tao. At ang lahat ng mga mananampalataya ay laging nagtitipon sa Balkonahe ni Solomon. Ngunit, wala nang iba pang nangahas na sumáma sa kanila kahit mataas ang pagtingin sa kanila ng mga tao. Gayunmaʼy lalo pang nadagdagan ang bilang ng mga lalaki at babaeng sumasampalataya sa Panginoon. Dahil sa mga himalang ginawa ng mga apostol, dinala ng mga tao ang mga maysakit sa lansangan. Inilagay nila ang mga ito sa mga higaan at banig, upang pagdaan ni Pedro ay matamaan man lang ng anino niya ang ilan sa kanila. Bukod pa rito, marami ring mga tao mula sa mga karatig-nayon ang dumating sa Jerusalem dala ang mga maysakit at mga taong pinahihirapan ng masasamáng espiritu. At gumaling silang lahat. Labis na nainggit ang punong pari at ang kanyang mga kasamahang miyembro ng grupong Saduceo. Kaya dinakip nila ang mga apostol at ibinilanggo. Ngunit kinagabihan, binuksan ng isang anghel ng Panginoon ang mga pintuan ng bilangguan at pinalabas sila. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa templo at sabihin ninyo sa mga tao ang mensaheng ito na nakapagbibigay-buhay.” Nakinig sila sa anghel, kaya pagsikat ng araw, pumasok sila sa Templo at nagsimulang magturo sa mga tao. Samantala, dumating ang punong pari at mga kasamahan niya at ipinatawag nila ang Sanhedrin: ang buong kapulungan ng mga pinuno ng Israel. May mga inutusan silang pumunta sa bilangguan para kunin ang mga apostol at dalhin sa kanila. Ngunit pagdating ng mga guwardiya ng Templo doon sa bilangguan, wala na roon ang mga apostol. Kaya bumalik sila kung saan naroon ang Sanhedrin at sinabi, “Pagdating namin sa bilangguan, nadatnan naming nakakandado pa ang mga pintuan, at nakabantay doon ang mga guwardiya. Ngunit nang buksan namin, wala kaming nakitang tao sa loob.” Nang marinig ito ng kapitan ng mga guwardiya sa Templo at ng mga namamahalang pari, naguluhan sila at hindi maubos-maisip kung ano ang kahahantungan nito. Siya namang pagdating ng isang taong nagbalita ng ganito, “Ang mga lalaking ikinulong ninyo ay naroon sa Templo at nagtuturo sa mga tao.” Agad na pumunta sa templo ang kapitan ng mga guwardiya at ang kanyang mga tauhan. Dinakip nila ang mga apostol pero hindi sila gumamit ng dahas dahil natatakot silang batuhin ng mga tao. Dinala nila ang mga apostol at iniharap sa Sanhedrin. Tinanong sila ng punong pari, “Hindi baʼt pinagbawalan na namin kayong magturo tungkol sa pangalang ito? Ngunit tingnan ninyo ang ginawa nʼyo! Kumalat na ang inyong aral sa buong Jerusalem, at kami pa ang pinagbibintangan ninyong pumatay sa kanya!” Sumagot si Pedro at ang ibang apostol, “Ang Diyos ang dapat naming sundin, hindi ang tao.

Mga Gawa 5:12-29 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Maraming himalang ginawa ang mga apostol, na pawang nasaksihan ng mga tao. Sa Portiko ni Solomon nagtitipon ang mga mananampalataya, ngunit natatakot sumama sa kanila ang mga di mananampalataya, kahit na humahanga ang mga ito sa kanila. Samantala, parami nang parami ang mga lalaki at babaing nananalig sa Panginoon. Dinadala sa mga lansangan ang mga maysakit at inilalagay sa mga papag at banig upang pagdaan ni Pedro ay matamaan man lamang ng kanyang anino ang ilan sa kanila. Dumating din ang maraming tao mula sa mga karatig-bayan ng Jerusalem, dala ang kanilang mga maysakit at mga pinapahirapan ng masasamang espiritu; at gumaling silang lahat. Nainggit sa mga apostol ang pinakapunong pari at ang mga kasamahan niyang Saduseo, kaya't kumilos sila. Dinakip nila ang mga apostol at ibinilanggo. Ngunit kinagabiha'y binuksan ng isang anghel ng Panginoon ang bilangguan at inilabas ang mga apostol. Sinabi nito sa kanila, “Pumunta kayo sa Templo at ipahayag sa tao ang buong mensahe tungkol sa bagong pamumuhay na ito.” Kaya nang mag-uumaga na, pumasok sa Templo ang mga apostol at nagturo sa mga tao. Nagtipon naman ang pinakapunong pari at ang kanyang mga kasamahan, at tumawag ng pangkalahatang pulong ng buong Sanedrin. Ipinakuha nila sa bilangguan ang mga apostol, ngunit ang mga ito ay wala na nang dumating doon ang mga kawal kaya't nagbalik sila sa Sanedrin at nag-ulat, “Nakita po namin na nakasusing mabuti ang pintuan ng bilangguan at nakatayo roon ang mga bantay. Ngunit nang buksan namin, wala kaming nakitang tao sa loob!” Nang marinig ito, nabahala ang mga punong pari at ang kapitan ng mga bantay sa Templo. Hindi nila maubos-maisip kung ano ang nangyari sa mga apostol. Siya namang pagdating ng isang taong ganito ang sabi, “Tingnan po ninyo, ang mga lalaking ipinakulong ninyo ay naroon sa Templo at nagtuturo sa mga tao.” Kaya't pumunta sa Templo ang kapitan, kasama ang kanyang mga tauhan. Isinama nila ang mga apostol, ngunit hindi sila gumamit ng dahas sa pangambang baka sila pagbabatuhin ng mga tao. Iniharap nila sa Sanedrin ang mga apostol at siniyasat sila ng pinakapunong pari. Sinabi niya, “Hindi ba't mahigpit namin kayong pinagbawalang mangaral sa pangalan ng Jesus na iyan? Ngunit tingnan ninyo ang inyong ginawa! Laganap na sa Jerusalem ang inyong itinuturo at nais pa ninyo kaming papanagutin sa pagkamatay ng taong iyan!” Sumagot si Pedro at ang ibang mga apostol, “Sa Diyos kami dapat sumunod, at hindi sa tao.

Mga Gawa 5:12-29 TLAB (Ang Biblia)

At sa pamamagitan ng mga kamay ng mga apostol ay ginawa ang maraming tanda at kababalaghan sa gitna ng mga tao: at nangaroon silang lahat na nangagkakaisa sa portiko ni Salomon. Datapuwa't sinoman sa mga iba ay hindi nangangahas na makisama sa kanila: bagaman sila'y pinapupurihan ng bayan; At ang mga nagsisisampalataya ay lalo pang nangaparagdag sa Panginoon, ang mga karamihang lalake at babae: Na ano pa't dinala nila sa mga lansangan ang mga may-sakit, at inilagay sa mga higaan at mga hiligan, upang, pagdaan ni Pedro, ay maliliman man lamang ng anino niya ang sinoman sa kanila. At nangagkatipon din naman ang karamihang mula sa mga bayang nangasa palibotlibot ng Jerusalem, na nangagdadala ng mga may-sakit, at ng mga pinahihirapan ng mga karumaldumal na espiritu: at sila'y pawang pinagaling. Datapuwa't nagtindig ang dakilang saserdote, at ang lahat ng kasama niya (na siyang sekta ng mga Saduceo), at sila'y nangapuspos ng kainggitan, At kanilang sinunggaban ang mga apostol, at kanilang inilagay sila sa bilangguang bayan. Datapuwa't nang gabi na ay binuksan ng isang anghel ng Panginoon ang mga pintuan ng bilangguan, at sila'y inilabas, at sinabi, Magsihayo kayo, at magsitayo kayo sa templo, at sabihin ninyo sa bayan ang lahat ng mga salita ng Buhay na ito. At nang marinig nila ito, ay nagsipasok sila sa templo nang magbubukang liwayway, at nangagturo. Datapuwa't dumating ang dakilang saserdote, at ang mga kasamahan niya, at pinulong ang sanedrin, at ang buong senado sa mga anak ni Israel, at nagpautos sa bilangguan upang sila'y dalhin doon. Datapuwa't ang mga punong kawal na nagsiparoon ay hindi sila nangasumpungan sa bilangguan; at sila'y nangagbalik, at nangagbigay alam, Na sinasabi, Aming naratnang totoong mabuti ang pagkalapat ng bilangguan, at nangakatayo sa mga pintuan ang mga bantay: datapuwa't ng aming mabuksan, wala kaming nasumpungang sinoman sa loob. Nang marinig nga ang mga salitang ito ng puno sa templo, at ng mga pangulong saserdote, ay nangalitong totoo tungkol sa mga ito kung ano ang magiging wakas niyaon. At may dumating na isa at nagsabi sa kanila, Narito, ang mga lalaking ibinilanggo ninyo ay nangakatayo sa templo at nangagtuturo sa bayan. Nang magkagayo'y naparoon ang pangulo na kasama ang mga punong kawal, at sila'y dinalang hindi sa pilitan: sapagka't nangatatakot sa bayan, baka sila'y batuhin. At nang kanilang mangadala sila, ay kanilang iniharap sa Sanedrin. At tinanong sila ng dakilang saserdote, Na sinasabi: Ibinala naming mahigpit sa inyo na huwag kayong mangagturo sa pangalang ito: at narito, pinuno ninyo ang Jerusalem ng inyong aral, at ibig ninyong iparatang sa amin ang dugo ng taong ito. Datapuwa't nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao.

Mga Gawa 5:12-29 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))