Mga Gawa 3:11-16 - Compare All Versions
Mga Gawa 3:11-16 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Nakahawak pa siya kina Pedro at Juan sa lugar na tinatawag na Portiko ni Solomon, nang patakbong lumapit sa kanila ang mga taong takang-taka sa nangyari. Kaya't sinabi ni Pedro sa mga tao, “Mga Israelita, bakit kayo nagtataka sa nangyaring ito? Bakit ninyo kami tinitingnan nang ganyan? Akala ba ninyo'y napalakad namin siya dahil sa sarili naming kapangyarihan o kabanalan? Pinarangalan ng Diyos ng ating mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob ang kanyang Lingkod na si Jesus na isinakdal ninyo at itinakwil sa harap ni Pilato, gayong ipinasya na ni Pilatong palayain siya. Itinakwil ninyo ang Banal at Matuwid, at hiniling na palayain ang isang mamamatay-tao. Pinatay ninyo ang Pinagmumulan ng buhay, ngunit siya'y muling binuhay ng Diyos, at saksi kami sa pangyayaring iyon. Ang kapangyarihan ng pangalan ni Jesus ang nagpagaling sa lalaking ito; nangyari ito dahil sa pananalig sa kanyang pangalan. Ang pananalig kay Jesus ang lubusang nagpagaling sa kanya, tulad ng inyong nakikita.
Mga Gawa 3:11-16 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Samantala, habang nakakapit ang lalaking iyon kina Pedro at Juan, nagtakbuhan ang mga tao palapit sa kanila sa bahagi ng Templo na tinatawag na Balkonahe ni Solomon dahil manghang-mangha sila. Pagkakita ni Pedro sa mga tao, sinabi niya sa kanila, “Mga kapwa ko Israelita, bakit kayo namamangha sa pangyayaring ito? Bakit ninyo kami tinitingnan na para bang napalakad namin ang taong ito dahil sa sarili naming kapangyarihan o kabanalan? Ang Diyos ng ating mga ninunong sina Abraham, Isaac, at Jacob ang siyang gumawa nito upang luwalhatiin ang kanyang lingkod na si Hesus. Ang Hesus na ito ang isinakdal at itinakwil ninyo sa harapan ni Pilato, kahit napagpasyahan na niyang pakawalan siya. Siya ang Banal at Matuwid, ngunit itinakwil ninyo siya, at sa halip mas pinili pa ninyong hilingin na pakawalan ang isang mamamatay-tao. Pinatay nʼyo ang nagbibigay ng buhay, ngunit binuhay siyang muli ng Diyos. Kami ay saksi sa muli niyang pagkabuhay. Ang pananampalataya sa pangalan ni Hesus ang siyang nagpalakas sa taong ito na inyong nakikita at nakikilala. Kayo rin ay mga saksi na gumaling siya. Ang pananampalataya kay Hesus ang nagpagaling sa kanya nang ganap gaya ng nakikita ninyo ngayon.
Mga Gawa 3:11-16 TLAB (Ang Biblia)
At samantalang siya'y nakahawak kay Pedro at kay Juan, ay nagsitakbong samasama sa kanila ang buong bayan sa tinatawag na portiko ni Salomon na lubhang nanggigilalas. At nang makita ito ni Pedro, ay sumagot sa mga tao, Kayong mga lalaking taga Israel, bakit kayo'y nagsisipanggilalas sa taong ito? o bakit kami ang inyong tinititigan, na sa inyong akala ay dahil sa aming sariling kapangyarihan o kabanalan ay aming napalakad siya? Ang Dios ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, ang Dios ng ating mga magulang, ay niluwalhati ang kaniyang Lingkod na si Jesus; na inyong ibinigay, at inyong tinanggihan sa harap ni Pilato, nang pasiyahan nito na siya'y pawalan. Datapuwa't inyong pinakatanggihan ang Banal at ang Matuwid na Ito, at inyong hiningi na ipagkaloob sa inyo ang isang mamamatay-tao, At inyong pinatay ang Lumikha ng buhay: na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay; mga saksi kami ng mga bagay na ito. At sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaniyang pangalan ay pinalakas ng kaniyang pangalan ang taong ito, na inyong nakikita at nakikilala: oo, ang pananampalataya na sa pamamagitan niya'y nagkaloob sa kaniya nitong lubos na kagalingan sa harapan ninyong lahat.
Mga Gawa 3:11-16 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nakahawak pa siya kina Pedro at Juan sa lugar na tinatawag na Portiko ni Solomon, nang patakbong lumapit sa kanila ang mga taong takang-taka sa nangyari. Kaya't sinabi ni Pedro sa mga tao, “Mga Israelita, bakit kayo nagtataka sa nangyaring ito? Bakit ninyo kami tinitingnan nang ganyan? Akala ba ninyo'y napalakad namin siya dahil sa sarili naming kapangyarihan o kabanalan? Pinarangalan ng Diyos ng ating mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob ang kanyang Lingkod na si Jesus na isinakdal ninyo at itinakwil sa harap ni Pilato, gayong ipinasya na ni Pilatong palayain siya. Itinakwil ninyo ang Banal at Matuwid, at hiniling na palayain ang isang mamamatay-tao. Pinatay ninyo ang Pinagmumulan ng buhay, ngunit siya'y muling binuhay ng Diyos, at saksi kami sa pangyayaring iyon. Ang kapangyarihan ng pangalan ni Jesus ang nagpagaling sa lalaking ito; nangyari ito dahil sa pananalig sa kanyang pangalan. Ang pananalig kay Jesus ang lubusang nagpagaling sa kanya, tulad ng inyong nakikita.
Mga Gawa 3:11-16 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))