2 Juan 1:6-9
2 Juan 1:6-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ito ang kahulugan ng pag-ibig na binabanggit ko: mamuhay tayo nang ayon sa mga kalooban ng Diyos. Ito ang utos na ibinigay sa inyo noon pang una: mamuhay kayo sa diwa ng pag-ibig. Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga mandaraya! Ayaw nilang kilalanin na si Jesu-Cristo'y naging tao. Ang ganoong mga tao ay mandaraya at laban kay Cristo. Mag-ingat nga kayo upang huwag mawalang saysay ang aming pinagpaguran, sa halip ay lubusan ninyong makamtan ang gantimpala. Ang hindi sumusunod sa katuruan ni Cristo, kundi nagdaragdag pa dito, ay hindi nagpapasakop sa Diyos. Ang sinumang nananatili sa katuruan ni Cristo ay nagpapasakop sa Ama at sa Anak.
2 Juan 1:6-9 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Makikita ang pag-ibig sa atin kung namumuhay tayo ayon sa mga utos ng Diyos. At tulad nang narinig ninyo noong nagsimula kayo sa pananampalataya, ang utos niya ay mamuhay tayo nang may pag-ibig. Sinasabi ko ito sapagkat maraming manloloko ang naglipana sa mundo. Sila ang mga taong hindi kumikilala na si Hesu-Kristo ay dumating bilang tao. Ang ganitong mga tao ay manloloko at anti-Kristo. Mag-ingat kayo upang hindi mawala ang aming pinaghirapan; sa halip ay matanggap ninyo ang buong gantimpala. Ang taong hindi nagpapatuloy sa katuruan ni Kristo kundi nagtuturo pa ng labis dito, hindi sumasakanya ang Diyos. Ang taong nagpapatuloy sa katuruan ni Kristo, sumasakanya ang Ama at ang Anak.
2 Juan 1:6-9 Ang Biblia (TLAB)
At ito ang pagibig, na tayo'y mangagsilakad ayon sa kaniyang mga utos. Ito ang utos, na tayo'y mangagsilakad sa kaniya, gaya ng inyong narinig nang pasimula. Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo. Mangagingat kayo sa inyong sarili, upang huwag ninyong iwala ang mga bagay na aming pinagpagalan, kundi upang tanggapin ninyo ang isang lubos na kagantihan. Ang sinomang nagpapatuloy at hindi nananahan sa aral ni Cristo, ay hindi kinaroroonan ng Dios: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak.
2 Juan 1:6-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ito ang kahulugan ng pag-ibig na binabanggit ko: mamuhay tayo nang ayon sa mga kalooban ng Diyos. Ito ang utos na ibinigay sa inyo noon pang una: mamuhay kayo sa diwa ng pag-ibig. Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga mandaraya! Ayaw nilang kilalanin na si Jesu-Cristo'y naging tao. Ang ganoong mga tao ay mandaraya at laban kay Cristo. Mag-ingat nga kayo upang huwag mawalang saysay ang aming pinagpaguran, sa halip ay lubusan ninyong makamtan ang gantimpala. Ang hindi sumusunod sa katuruan ni Cristo, kundi nagdaragdag pa dito, ay hindi nagpapasakop sa Diyos. Ang sinumang nananatili sa katuruan ni Cristo ay nagpapasakop sa Ama at sa Anak.
2 Juan 1:6-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)