Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

II JUAN 1

1
1 # Gawa 11:30; 1 Ped. 5:1; 3 Juan 1. Ang matanda sa hirang na #tal. 13. ginang at sa kaniyang mga anak, #1 Juan 5:3. na aking iniibig sa katotohanan; at hindi lamang ako, kundi pati ng lahat ng mga nakakakilala #Juan 1:17; 14:6. ng katotohanan;
2Alangalang sa katotohanan na nananahan sa atin, at sasa atin magpakailan man:
3 # 1 Tim. 1:2. Sumaatin nawa ang biyaya, awa, at kapayapaang mula sa Dios Ama at kay Jesucristo, Anak ng Ama, sa katotohanan at sa pagibig.
4Ako'y lubhang nagagalak na aking nasumpungan ang ilan sa iyong mga anak #3 Juan 3, 4. na nagsisilakad sa katotohanan, ayon sa ating tinanggap na utos sa Ama.
5At ngayo'y ipinamamanhik ko sa iyo, ginang, #1 Juan 2:7; 3:11. na hindi waring sinusulatan kita ng isang bagong utos, kundi niyaong ating tinanggap nang pasimula, na tayo'y mangagibigan sa isa't isa.
6 # 3 Juan 1. At ito ang pagibig, na tayo'y mangagsilakad ayon sa kaniyang mga utos. Ito ang utos, na tayo'y mangagsilakad sa kaniya, gaya ng inyong narinig nang pasimula.
7Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay #1 Juan 2:22; 4:9. ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at #1 Juan 2:18; Apoc. 1:4. ang anticristo.
8Mangagingat kayo sa inyong sarili, upang #Gal. 3:4; Heb. 10:32, 35. huwag ninyong iwala ang mga bagay na aming pinagpagalan, kundi upang tanggapin ninyo ang isang lubos na kagantihan.
9Ang sinomang nagpapatuloy at hindi nananahan sa aral ni Cristo, ay #1 Juan 2:23. hindi kinaroroonan ng Dios: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak.
10Kung sa inyo'y dumating ang sinoman, at hindi dala ang aral na ito, ay #Rom. 16:17; Gen. 1:8. huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, at huwag ninyo siyang batiin:
11Sapagka't ang bumabati sa kaniya ay #1 Tim. 5:22. nararamay sa kaniyang masasamang gawa.
12 # 3 Juan 13. Yamang may maraming mga bagay na isusulat sa inyo, ay hindi ko ibig isulat sa papel at tinta; datapuwa't inaasahan kong pumariyan sa inyo, at makipagusap ng mukhaan, #Juan 15:11. upang malubos ang inyong galak.
13Ang mga anak ng iyong #tal. 1. hirang na kapatid na babae ay bumabati sa iyo.

Kasalukuyang Napili:

II JUAN 1: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya