Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

2 Mga Taga-Corinto 11:4 - Compare All Versions

2 Mga Taga-Corinto 11:4 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Sapagkat malugod ninyong tinatanggap ang sinumang dumarating at nangangaral ng ibang Jesus kaysa sa ipinangaral namin. Tinatanggap ninyo ang espiritu at aral na iba sa itinuro namin sa inyo.

2 Mga Taga-Corinto 11:4 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Sapagkat madali kayong napapaniwala ng kahit sinong dumarating diyan na nangangaral ng ibang Hesus kaysa sa aming ipinangaral sa inyo. At tinatanggap ninyo ang ibang uri ng espiritu kaysa sa Espiritung tinanggap na ninyo. Pinapakinggan din ninyo ang magandang balita na iba kaysa sa pinaniwalaan na ninyo.

2 Mga Taga-Corinto 11:4 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Sapagkat malugod ninyong tinatanggap ang sinumang dumarating at nangangaral ng ibang Jesus kaysa sa ipinangaral namin. Tinatanggap ninyo ang espiritu at aral na iba sa itinuro namin sa inyo.

2 Mga Taga-Corinto 11:4 TLAB (Ang Biblia)

Sapagka't kung yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral, o kung kayo'y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo.

2 Mga Taga-Corinto 11:4 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))