2 Mga Taga-Corinto 11:2-4
2 Mga Taga-Corinto 11:2-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang pagmamalasakit ko sa inyo ay katulad ng pagmamalasakit ng Diyos. Ang katulad ninyo ay isang malinis na dalagang ipinakipagtipan ko sa isang lalaki, walang iba kundi si Cristo. Ngunit nag-aalala akong baka malason ang inyong isipan at mailayô kayo sa tapat at dalisay na pananampalataya kay Cristo, tulad ni Eva na nalinlang ng ahas. Sapagkat malugod ninyong tinatanggap ang sinumang dumarating at nangangaral ng ibang Jesus kaysa sa ipinangaral namin. Tinatanggap ninyo ang espiritu at aral na iba sa itinuro namin sa inyo.
2 Mga Taga-Corinto 11:2-4 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nakadarama ako ng maka-diyos na pagseselos sa inyo, sapagkat tulad kayo ng isang dalagang birhen na ipinangako kong ipapakasal sa isang lalaki, si Kristo. Ngunit nag-aalala akong baka malinlang kayo, tulad ni Eva na nalinlang ng ahas, at mawala ang inyong tapat at taos-pusong hangaring sumunod kay Kristo. Sapagkat madali kayong napapaniwala ng kahit sinong dumarating diyan na nangangaral ng ibang Hesus kaysa sa aming ipinangaral sa inyo. At tinatanggap ninyo ang ibang uri ng espiritu kaysa sa Espiritung tinanggap na ninyo. Pinapakinggan din ninyo ang magandang balita na iba kaysa sa pinaniwalaan na ninyo.
2 Mga Taga-Corinto 11:2-4 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't ako'y naninibugho tungkol sa inyo ng panibughong ukol sa Dios: sapagka't kayo'y aking pinapagasawa sa isa, upang kayo'y maiharap ko kay Cristo na tulad sa dalagang malinis. Nguni't ako'y natatakot, baka sa anomang paraan, kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain. Sapagka't kung yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral, o kung kayo'y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo.
2 Mga Taga-Corinto 11:2-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang pagmamalasakit ko sa inyo ay katulad ng pagmamalasakit ng Diyos. Ang katulad ninyo ay isang malinis na dalagang ipinakipagtipan ko sa isang lalaki, walang iba kundi si Cristo. Ngunit nag-aalala akong baka malason ang inyong isipan at mailayô kayo sa tapat at dalisay na pananampalataya kay Cristo, tulad ni Eva na nalinlang ng ahas. Sapagkat malugod ninyong tinatanggap ang sinumang dumarating at nangangaral ng ibang Jesus kaysa sa ipinangaral namin. Tinatanggap ninyo ang espiritu at aral na iba sa itinuro namin sa inyo.
2 Mga Taga-Corinto 11:2-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)