2 Mga Taga-Corinto 11:14-15
2 Mga Taga-Corinto 11:14-15 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Hindi ito dapat pagtakhan sapagkat si Satanas man ay maaaring magkunwaring anghel ng kaliwanagan. Kaya, hindi kataka-taka na magkunwaring lingkod ng katuwiran ang kanyang mga lingkod. Ang kanilang kahihinatnan ay ayon lamang sa kanilang mga gawa.
2 Mga Taga-Corinto 11:14-15 Ang Salita ng Diyos (ASD)
At hindi naman iyan nakapagtataka, dahil maging si Satanas ay nagpapanggap bilang anghel ng Diyos na nagbibigay-liwanag. Kaya hindi rin nakapagtatakang ang kanyang mga alagad ay magkunwari ding mga alagad ng katuwiran. Ang kahihinatnan nila sa bandang huli ay parusang ayon sa kanilang mga gawa.
2 Mga Taga-Corinto 11:14-15 Ang Biblia (TLAB)
At hindi katakataka: sapagka't si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan. Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring ministro ng katuwiran; na ang kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa.
2 Mga Taga-Corinto 11:14-15 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Hindi ito dapat pagtakhan sapagkat si Satanas man ay maaaring magkunwaring anghel ng kaliwanagan. Kaya, hindi kataka-taka na magkunwaring lingkod ng katuwiran ang kanyang mga lingkod. Ang kanilang kahihinatnan ay ayon lamang sa kanilang mga gawa.
2 Mga Taga-Corinto 11:14-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)