Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Filipos 1:1-6

Mga Taga-Filipos 1:1-6 RTPV05

Mula kina Pablo at Timoteo na mga alipin ni Cristo Jesus, Para sa mga taga-Filipos na tagasunod ni Cristo Jesus, gayundin sa mga tagapangasiwa at mga tagapaglingkod: Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan ng Diyos na ating Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo. Nagpapasalamat ako sa aking Diyos tuwing naaalala ko kayo. Tuwing ipinapanalangin ko kayong lahat, ako'y laging nagagalak dahil sa inyong pakikiisa sa pagpapalaganap ng Magandang Balita tungkol kay Cristo, mula nang ito'y inyong tanggapin hanggang sa kasalukuyan. Natitiyak kong ang mabuting gawang pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa araw ng pagbabalik ni Jesu-Cristo.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Taga-Filipos 1:1-6