Mula kina Pablo at Timoteo na mga alipin ni Cristo Jesus, Para sa mga taga-Filipos na tagasunod ni Cristo Jesus, gayundin sa mga tagapangasiwa at mga tagapaglingkod: Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan ng Diyos na ating Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo. Nagpapasalamat ako sa aking Diyos tuwing naaalala ko kayo. Tuwing ipinapanalangin ko kayong lahat, ako'y laging nagagalak dahil sa inyong pakikiisa sa pagpapalaganap ng Magandang Balita tungkol kay Cristo, mula nang ito'y inyong tanggapin hanggang sa kasalukuyan. Natitiyak kong ang mabuting gawang pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa araw ng pagbabalik ni Jesu-Cristo. Minamahal ko kayo, kaya dapat lang na pahalagahan ko kayo nang ganito at dahil magkasama tayong tumanggap ng pagpapala ng Diyos, noon pa man nang ako'y malayang nagtatanggol at nagpapalaganap ng Magandang Balita at kahit ngayong ako'y nakabilanggo. Nalalaman ng Diyos na ang pananabik ko sa inyong lahat ay kagaya ng pagmamahal sa inyo ni Jesu-Cristo. Idinadalangin ko sa Diyos na ang inyong pag-ibig ay patuloy na sumagana at masangkapan ng malinaw na kaalaman at pagkaunawa, upang mapili ninyo ang pinakamahalaga sa lahat. Sa gayon, pagbabalik ni Cristo, matatagpuan kayong malinis, walang kapintasan, at sagana sa magagandang katangiang kaloob sa inyo ni Jesu-Cristo, sa ikararangal at ikadadakila ng Diyos.
Basahin Mga Taga-Filipos 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Taga-Filipos 1:1-11
5 Days
The letter Paul wrote to the church in Philippi has traveled across generations to nourish and challenge our hearts and minds today. This five-day devotional gives you a taste of the book of Philippians, many centuries from when God authored it through Paul. May God fill you with wonder and expectation as you read this letter of joy! Because these are not just Paul’s words to an ancient church—these are God’s words to you.
18 Araw
Ito, "salamat" na sulat para sa mga taga-Filipos ay nagbibigay sa kanila ng isang masayang pananaw sa mga mahihirap na oras na kanilang kinasasangkutan at hinihikayat silang mapagkumbabang lampasan ang mga ito nang sama-sama. Araw-araw na paglalakbay sa Filipos habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
31 Days
The Bible tells us that "in His presence is fullness of joy" and that "the joy of the Lord is our strength". Joy isn't simply another emotion; it is a fruit of the Spirit and one of the best weapons in your arsenal to fight against discouragement, depression, and defeat. Learn what the Bible has to say about joy, and strengthening yourself to become a defiantly joyful Christian.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas