Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Bilang 34

34
1Sinabi ni Yahweh kay Moises 2ang mga tagubilin para sa bansang Israel, “Pagpasok ninyo sa Canaan, ang lupaing ibinibigay ko sa inyo, ang mga hangganan ng inyong nasasakupan ay ang mga ito: 3Sa timog, ang ilang ng Zin na katapat ng Edom, ang dulo ng Dagat na Patay, 4ang daan paakyat sa Acrabim, ang Zin hanggang sa timog ng Kades-barnea, ang Hazaradar at ang Azmon, 5at ang Batis ng Egipto hanggang sa dagat.
6“Sa kanluran: ang Dagat Mediteraneo.
7“Sa hilaga: ang bahagi ng Dagat Mediteraneo, ang Bundok ng Hor, 8ang Hamat, ang Zedad; 9at ang Zifron hanggang Hazar-enan.
10“Sa silangan: mula sa Hazar-enan hanggang Sefam; 11ang Ribla, gawing silangan ng Ayin, ang baybayin ng Lawa ng Cineret, 12at ang Jordan hanggang sa Dagat na Patay. Ito ang mga hangganan ng inyong lupain.”
13Sinabi#Bil. 26:52-56. #Jos. 14:1-5. ni Moises sa mga Israelita, “Iyan ang lupaing ibibigay ni Yahweh sa siyam at kalahating lipi ng Israel; ang partihan ay dadaanin sa pamamagitan ng palabunutan. 14Ang mga lipi ni Ruben, ni Gad, at ang kalahati ng lipi ni Manases ay mayroon nang bahagi, at nahati na sa kani-kanilang sambahayan. 15Ito ay nasa silangan ng Jordan, sa tapat ng Jerico.”
Ang mga Namahala sa Paghahati ng Lupain
16Sinabi ni Yahweh kay Moises, 17“Ang paring si Eleazar at si Josue na anak ni Nun ang mamamahala sa pagpaparte sa lupain. 18Pumili ka rin ng isang pinuno sa bawat lipi para makatulong nila sa pagpaparte ng lupain.” 19-28Ito ang mga pinuno na napili ni Yahweh:
Lipi Pinuno
Juda Caleb na anak ni Jefune
Simeon Selemuel na anak ni Amiud
Benjamin Elidad na anak ni Cislon
Dan Buqui na anak ni Jogli
Manases Haniel na anak ni Efod
Efraim Kemuel na anak ni Siftan
Zebulun Elisafan na anak ni Parnah
Isacar Paltiel na anak ni Azan
Asher Ahiud na anak ni Selomi
Neftali Pedael na anak ni Amiud
29Ang mga kalalakihang ito ang pinamahala ni Yahweh sa paghahati ng lupain ng Canaan na ibinigay niya sa Israel.

Kasalukuyang Napili:

Mga Bilang 34: RTPV05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya