YouVersion Logo
Search Icon

Mateo 26:31, 32, 33, 34, 35

Mateo 26:31 RTPV05

Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sa gabing ito, ako'y iiwan ninyong lahat, gaya ng sinasabi sa Kasulatan, ‘Papatayin ko ang pastol at magkakawatak-watak ang mga tupa.’

Mateo 26:32 RTPV05

Ngunit pagkatapos na ako'y muling mabuhay, mauuna ako sa inyo sa Galilea.”

Mateo 26:33 RTPV05

Sumagot si Pedro, “Kahit na po kayo iwan ng lahat, hindi ko kayo iiwan.”

Mateo 26:34 RTPV05

Sumagot si Jesus, “Tandaan mo, sa gabi ring ito, bago tumilaok ang manok, tatlong beses mo akong ikakaila.”

Mateo 26:35 RTPV05

Ngunit matigas na sinabi ni Pedro, “Kahit na ako'y patayin kasama ninyo, hindi ko kayo ikakaila.” Ganoon din ang sinabi ng lahat ng alagad.