Tumingin si Jesus sa mga alagad, at sinabi, “Mapalad kayong mga mahihirap, sapagkat kayo'y paghaharian ng Diyos! “Mapalad kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat kayo'y bubusugin ng Diyos! “Mapalad kayong mga tumatangis ngayon, sapagkat kayo'y bibigyang kagalakan! “Mapalad kayo kung dahil sa inyong pagsunod sa Anak ng Tao ay kinapopootan kayo, ipinagtatabuyan at nilalait ng mga tao, at pinagbibintangang kayo ay masama. Magalak kayo at tumalon sa tuwa kung gayon ang mangyari sa inyo, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta. “Ngunit kahabag-habag kayong mga mayayaman ngayon, sapagkat natamasa na ninyo ang kaginhawahan. “Kahabag-habag kayong mga busog ngayon, sapagkat kayo'y magugutom! “Kahabag-habag kayong mga tumatawa ngayon, sapagkat kayo'y magdadalamhati at magsisitangis! “Kahabag-habag kayo, kung kayo'y pinupuri ng lahat ng tao, sapagkat gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga huwad na propeta.”
Basahin Lucas 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: Lucas 6:20-26
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas