Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Job 32

32
Ang Pananalita ni Elihu
(32:1–37:24)
1Hindi na nakipagtalo pa ang tatlong kausap ni Job sapagkat talagang iginigiit niyang wala siyang kasalanan. 2Samantala, may nakikinig noon sa kanilang pag-uusap, isang lalaki na nagngangalang Elihu. Siya ay anak ni Baraquel, apo ni Bus na mula sa angkan ni Ram. Nagalit si Elihu kay Job sapagkat nagmamatuwid si Job sa kanyang sarili at sinisisi pa niya ang Diyos. 3Nagalit din siya sa tatlong kaibigan ni Job sapagkat hindi nila masagot ang mga sinabi nito at parang lumalabas na ang Diyos ang may kasalanan. 4Pinakabata si Elihu sa mga naroon kaya hinintay niyang makapagsalita muna ang lahat. 5-6Nang wala nang maisagot ang tatlo, nagalit ito at sinabi,
“Bata ako at kayo'y matatanda,
kaya ako'y nag-aalangang magsalita.
7Palagay ko'y nararapat na kayo muna ang magsalita,
at mamahagi ng karunungan ang nakatatanda.
8Ngunit ang karunungan ay saan ba nagbubuhat?
Di ba sa Diyos na Makapangyarihan?
9Ngunit hindi dahil matanda ay may pang-unawa,
hindi dahil may edad na'y alam na ang tama.
10Kaya makinig kayo ngayon sa aking sasabihin,
itong aking opinyon, inyo namang dinggin.
11“Matiyaga akong nakinig sa inyong pananalita,
at habang naghahanap kayo ng mahuhusay na kataga.
12Ngunit sa aking narinig, ako'y tunay na nalungkot,
hindi ninyo napabulaanan ang sinabi nitong si Job.
13Huwag ninyong sabihing natuklasan na ninyo ang karunungan,
sa sinabi nitong si Job, Diyos lang ang may kasagutan.
14Kayo at hindi ako ang kausap nitong si Job,
kaya iba sa pahayag ninyo itong aking isasagot.
15“Job, hindi sila makakibo at wala nang masabi,
16sila ay natitigilan, hindi na makapagsalita,
mananatili ba akong naghihintay sa wala?
17Hindi! Sasagutin kong lahat ang iyong binanggit,
sasabihin ko sa iyo ang aking iniisip.
18Di na ako makapaghintay na magsalita,
di ko na mapipigilan ang aking mga kataga.
19Kapag ang nasa loob ko ay hindi naibulalas,
ang dibdib ko ay puputok, laman nito'y sasambulat.
20Hindi na nga maaari na ako ay maghintay pa,
di na ako makatiis kaya ako'y nangusap na.
21Sa inyong usapan ay wala akong papanigan,
ang sinuman sa inyo'y hindi ko papupurihan.
22Ang di tapat na papuri ay hindi ko nakaugalian,
kapag ginawa ko ito, ako'y paparusahan.

Kasalukuyang Napili:

Job 32: RTPV05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya