Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 63

63
Ang Tagumpay ni Yahweh Laban sa mga Bansa
1“Sino#Isa. 34:5-17; Jer. 49:7-22; Eze. 25:12-14; 35:1-15; Amos 1:11-12; Oba. 1-14; Mal. 1:2-5. itong dumarating na buhat sa Edom,
buhat sa Bozra na ang maringal na kasuotan ay kulay pula?
Sino ang magiting na lalaking ito
na kung lumakad ay puno ng kasiglahan?
Ako ang nagbabadya ng tagumpay;
ang kalakasan ko'y sapat na upang kayo ay iligtas.”
2“Bakit pula ang iyong suot?
Tulad ng damit ng nagpipisa ng ubas upang gawing alak?”
3Ang#Pah. 14:20; 19:15; Pah. 19:13. sagot ni Yahweh: “Pinisa ko ang mga bansa na parang ubas,
wala man lang tumulong sa akin;
tinapakan ko sila sa tindi ng aking galit,
kaya natigmak sa dugo ang aking damit.
4Nagtakda na ako ng araw upang maghiganti,
sapagkat dumating na ang panahon ng aking pagliligtas.
5Ako'y#Isa. 59:16. naghanap ng makakatulong
ngunit walang nakita kahit isa;
ako'y pinalakas ng aking galit,
at mag-isa kong nakamit ang pagtatagumpay.
6Sa tindi ng aking galit ay dinurog ko ang mga bansa,
aking ibinuhos ang kanilang mga dugo sa lupa.”
Ang Kabutihan ni Yahweh sa Israel
7Aking sasaysayin ang pag-ibig ni Yahweh na hindi nagmamaliw;
pupurihin ko siya sa lahat ng bagay na kanyang ginawa para sa atin.
Tunay na kanyang pinagpala ang bayang Israel,
dahil sa kahabagan niya at wagas na pag-ibig.
8Sinabi ni Yahweh, “Sila ang bayan ko na aking hinirang,
kaya hindi nila ako pagtataksilan.”
Iniligtas niya sila
9sa kapahamakan at kahirapan.
Hindi isang anghel,
kung hindi si Yahweh mismo ang nagligtas sa kanila;
iniligtas sila dahil sa pag-ibig niya't habag,
na sa simula pa ay kanya nang ipinakita.
10Ngunit sa kabila nito, sila'y naghimagsik
at pinighati nila ang kanyang banal na Espiritu;
dahil doon naging kaaway nila si Yahweh.
11Pagkatapos, naalala nila ang panahon ni Moises,
ang lingkod ni Yahweh.
Ang tanong nila, “Nasaan na si Yahweh, na nagligtas sa mga pinuno ng kanyang bayan nang sila'y tumawid sa Dagat ng mga Tambo?
Nasaan na si Yahweh, na nagbigay ng kanyang banal na Espiritu kay Moises?
12Sa#Exo. 14:2 1. pangalan ni Yahweh, hinawi ni Moises ang tubig ng dagat,
kaya ang Israel doon ay naligtas.
At siya ay natanyag sa lahat para sa kanyang sarili.”
13Natawid nila ang karagatan sa tulong ni Yahweh,
parang kabayong matatag na hindi nabuwal.
14Kung paanong ang kawan ay dinadala sa sariwang pastulan,
ang Espiritu#14 ESPIRITU: o kaya'y kapangyarihan. ni Yahweh ang nagbigay ng kapahingahan sa kanyang bayan,
at sila'y ginabayan upang siya ay maparangalan.
Dalangin Para sa Tulong ni Yahweh
15Magmula sa langit tunghayan mo kami Yahweh,
at iyong pagmasdan mula sa iyong dakila at banal na trono.
Saan ba naroon ang malasakit mo at kapangyarihan?
Pag-ibig mo at kahabagan,
huwag kaming pagkaitan.
16Kung walang nagawa sa amin si Jacob at Abraham,
ikaw lamang, Yahweh, ang aming pag-asa at Amang aasahan;
tanging ikaw lamang ang nagliligtas ng aming buhay.
17Bakit ba, O Yahweh, kami'y tinulutang maligaw ng landas,
at ang puso nami'y iyong hinayaang maging matigas?
Balikan mo kami at iyong kaawaan,
mga lingkod mo na tanging iyo lamang.
18Kami, na iyong banal na bayan ay sandaling itinaboy ng mga kaaway;
winasak nila ang iyong santuwaryo.
19Ang turing mo sa amin ay parang hindi mo pinamahalaan;
ang nakakatulad ay mga nilalang na di nakaranas na iyong pagharian.

Kasalukuyang Napili:

Isaias 63: RTPV05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya