“Pakinggan mo, langit, ang aking sasabihin, unawain mo, lupa, ang aking bibigkasin. Pumatak nawang gaya ng ulan ang aking ituturo, ang salita ko nawa'y tulad ng hamog na namumuo; upang halama'y diligan at damo'y tumubo. Sapagkat si Yahweh ay aking pupurihin, ang kanyang pangalan ay inyong dakilain. “Si Yahweh ang inyong batong tanggulan, mga gawa niya'y walang kapintasan, mga pasya niya'y pawang makatarungan; siya'y Diyos na tapat at makatuwiran. Datapwat ang Israel sa kanya ay nagtaksil, di na karapat-dapat na mga anak ang turing, dahil sa pagkakasala nila at ugaling suwail. O mga mangmang at hangal na tao, ganyan ba susuklian ang kabutihan sa inyo ni Yahweh na inyong ama at sa inyo'y lumikha, at nagtaguyod na kayo'y maging isang bansa? “Alalahanin ninyo ang mga lumipas na panahon, ang mga salinlahi ng mga nagdaang taon; tanungin ninyo ang inyong ama at kanilang sasabihin, pati ang matatanda at kanilang sasaysayin.
Basahin Deuteronomio 32
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: Deuteronomio 32:1-7
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas