Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 96

96
Ang tawag upang sumamba sa Panginoon, ang matuwid na tagahatol.
1 # 1 Cron. 16:7. Oh magsiawit kayo #Hanggang tal. 13; 1 Cron. 16:23-33; Awit 98. sa Panginoon ng bagong awit:
Magsiawit kayo sa Panginoon, buong lupa.
2Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang pangalan niya;
Ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw.
3Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa
Ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan
4Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihin:
Siya'y kinatatakutang higit kay sa lahat na dios.
5Sapagka't lahat ng mga dios sa mga bayan ay mga diosdiosan.
# Awit 115:15. Nguni't nilikha ng Panginoon ang langit.
6Karangalan at kamahalan ay nasa harap niya:
# Awit 78:61. Kalakasan at kagandahan ay nasa kaniyang santuario.
7Magbigay kayo sa Panginoon, #Awit 22:27. kayong mga angkan ng mga bayan,
Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.
8Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatiang ukol sa kaniyang pangalan;
# Awit 45:12. Kayo'y mangagdala ng handog, at magsipasok kayo sa kaniyang mga #Awit 116:19. looban.
9Oh sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan:
Manginig kayo sa harap niya, buong lupa.
10Sabihin ninyo sa gitna ng mga bansa, Ang Panginoon ay naghahari:
Ang sanglibutan naman ay natatatag na hindi makikilos:
Kaniyang hahatulan ng karapatan ang mga bayan.
11Matuwa ang langit at magalak ang lupa;
Humugong ang dagat, at ang buong naroon;
12 # Is. 35:1. Sumaya ang bukiran at lahat na nasa kaniya;
Kung magkagayo'y aawit dahil sa kagalakan, ang lahat na punong kahoy sa gubat;
13Sa harap ng Panginoon; sapagka't siya'y dumarating:
Sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa:
# Awit 67:4. Kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan,
At ng kaniyang katotohanan ang mga bayan.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 96: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya