Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 92

92
Salmo, Awit sa araw ng sabbath.
1Isang mabuting bagay #Awit 147:1. ang magpapasalamat sa Panginoon,
At umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan:
2Upang #Awit 89:11. magpakilala ng iyong kagandahang-loob sa umaga,
At ng iyong pagtatapat gabigabi.
3 # Awit 33:2. Na may panugtog na may sangpung kawad, at may salterio;
Na may dakilang tunog na alpa.
4Sapagka't ikaw, Panginoon, iyong pinasaya ako sa iyong gawa:
Ako'y magtatagumpay sa mga gawa ng iyong mga kamay.
5 # Awit 40:5. Kay dakila ng iyong mga gawa, Oh Panginoon!
Ang iyong mga pagiisip ay #Rom. 11:3. totoong malalim.
6 # Awit 94:8. Ang taong hangal ay hindi nakakaalam;
Ni nauunawa man ito ng mangmang.
7Pagka ang masama ay lumilitaw na parang damo,
At pagka gumiginhawa ang lahat na manggagawa ng kasamaan;
Ay upang mangalipol sila magpakailan man:
8Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay mataas magpakailan man.
9Sapagka't, narito, #Awit 129:1, 2; Nah. 1:2. ang mga kaaway mo, Oh Panginoon,
Sapagka't, narito, ang mga kaaway mo'y malilipol;
Lahat ng mga #Awit 68:1. manggagawa ng kasamaan ay mangangalat.
10Nguni't ang sungay ko'y #1 Sam. 2:1. iyong pinataas na parang sungay ng #Blg. 23:22. mailap na toro:
# Awit 23:5. Ako'y napahiran ng bagong langis.
11 # Awit 54:7. Nakita naman ng aking mata ang nasa ko sa aking mga kaaway,
Narinig ng aking pakinig ang nasa ko sa mga manggagawa ng kasamaan na nagsisibangon laban sa akin.
12 # Awit 52:8; Is. 65:22; Os. 14:5-8; Amos 2:9. Ang matuwid ay giginhawa na parang puno ng palma.
Siya'y tutubo na parang #Huk. 9:15. cedro sa Libano.
13 # Awit 1:3. Sila'y nangatatag sa bahay ng Panginoon;
Sila'y giginhawa sa mga looban ng aming Dios.
14Sila'y mangagbubunga sa katandaan;
Sila'y mapupuspos ng katas at kasariwaan:
15Upang ipakilala na ang Panginoon ay matuwid;
Siya'y #Deut. 32:4. aking malaking bato, #Rom. 9:14. at walang kalikuan sa kaniya.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 92: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya