Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 79

79
Hinagpis dahil sa pagka sira ng Jerusalem, at panalangin sa paghingi ng tulong. Awit ni Asaph.
1Oh Dios, #Panag. 1:10. ang mga bansa ay dumating sa #Awit 74:2. iyong mana;
# Awit 74:7. Ang iyong banal na templo ay kanilang nilapastangan;
# 2 Hari 25:9, 10; 2 Cron. 36:19. Kanilang pinapaging bunton ang Jerusalem.
2Ang mga bangkay ng iyong mga lingkod ay #Deut. 28:26; Jer. 15:3. ibinigay nila na pagkain sa mga ibon sa himpapawid,
Ang laman ng iyong mga banal ay sa mga hayop sa lupa.
3Ang kanilang dugo ay ibinubo nila na parang tubig sa palibot ng Jerusalem;
# Jer. 14:16. At walang naglibing sa kanila.
4 # Awit 44:13; Dan. 9:16. Kami ay naging kadustaan sa aming kalapit,
Kasabihan at kakutyaan nilang nangasa palibot namin.
5Hanggang kailan, Oh Panginoon, magagalit ka magpakailan man?
# Zef. 1:18. Magaalab ba ang iyong paninibugho na parang apoy?
6 # Jer. 10:25. Ibugso mo ang iyong pagiinit sa mga bansa na hindi nangakakakilala sa iyo,
At sa mga kaharian na hindi nagsisitawag sa iyong pangalan.
7Sapagka't kanilang nilamon ang Jacob,
At inilagay na sira ang kaniyang tahanan.
8 # Is. 64:9. Huwag mong alalahanin laban sa amin ang kasamaan ng aming mga magulang:
Magmadali ang iyong mga malumanay na kaawaan na tulungan kami:
Sapagka't kami ay totoong hinamak.
9Iyong tulungan kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, dahil sa kaluwalhatian ng iyong pangalan:
At iyong iligtas kami, at linisin mo ang aming mga kasalanan, #Awit 25:11; Jer. 14:7-21. dahil sa iyong pangalan.
10 # Awit 42:10. Bakit sasabihin ng mga bansa,
Saan nandoon ang kanilang Dios?
Ang #Awit 94:1. kagantihan sa dugo na nabubo sa iyong mga lingkod
Maalaman nawa ng mga bansa sa aming paningin.
11 # Awit 102:20. Dumating nawa sa harap mo ang buntong-hininga ng bihag;
Ayon sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay palagiin mo yaong nangatakda sa kamatayan:
12At ibalik mo sa aming mga kalapit-bansa sa #Is. 65:6, 7; Luc. 6:38. makapito #Gen. 4:15, 24. sa kanilang sinapupunan,
Ang kanilang pagduwahagi na kanilang idinuwahagi sa iyo, Oh Panginoon.
13Sa gayo'y #Awit 74:1. kaming iyong bayan at mga tupa sa pastulan mo
Mangagpapasalamat sa iyo magpakailan man:
Aming ipakikilala ang iyong kapurihan sa lahat ng mga lahi.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 79: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya