Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 56

56
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Jonath-elem-rehokim. Awit ni David: Michtam: nang hulihin siya ng mga #1 Sam. 21:10, 11. Filisteo sa Gat.
1 # Awit 57:1. Maawa ka sa akin, Oh Dios: sapagka't sasakmalin ako ng tao:
Buong araw ay nangbababag siya na pinipighati ako.
2Ibig akong sakmalin ng aking mga kaaway buong araw:
Sapagka't sila'y maraming may kapalaluan na nagsisilaban sa akin.
3Sa panahong ako'y matakot,
Aking ilalagak ang aking tiwala sa iyo.
4Sa Dios (ay pupuri ako ng kaniyang salita),
Sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, #Awit 118:6; Is. 51:12; Heb. 13:6. hindi ako matatakot;
Anong magagawa ng laman sa akin?
5Buong araw ay binabaligtad nila ang aking mga salita:
Lahat ng kanilang mga pagiisip ay laban sa akin sa ikasasama.
6Sila'y nagpipisan, #Awit 10:8. sila'y nagsisipagkubli,
Kanilang tinatandaan ang aking mga hakbang,
Gaya ng kanilang #Awit 71:10. pagaabang sa aking kaluluwa.
7Tatakas ba sila sa pamamagitan ng masama?
Sa galit ay ilugmok mo ang mga bayan, Oh Dios.
8Iyong isinasaysay ang aking mga paggagala:
# 2 Hari 20:5; Awit 39:12. Ilagay mo ang aking mga luha sa iyong botelya;
# Mal. 3:16. Wala ba sila sa iyong aklat?
9Tatalikod nga ang aking mga kaaway sa kaarawan na ako'y tumawag:
Ito'y nalalaman ko, sapagka't ang #Rom. 8:31. Dios ay kakampi ko.
10Sa Dios (ay pupuri ako ng salita),
Sa Panginoon (ay pupuri ako ng salita),
11Sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, #Awit 118:6; Is. 51:12. hindi ako matatakot;
Anong magagawa ng tao sa akin?
12Ang iyong mga panata ay sa akin, Oh Dios:
Ako'y magbabayad ng mga handog na pasalamat sa iyo.
13Sapagka't #Awit 116:8. iniligtas mo ang aking kaluluwa sa kamatayan:
Hindi mo ba iniligtas ang aking mga paa sa pagkahulog?
Upang ako'y makalakad sa harap ng Dios
# Job 33:30; Awit 49:19. Sa liwanag ng buhay.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 56: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya