Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 47

47
Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.
1Oh #2 Hari 11:12; Awit 98:8. ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan;
Magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay.
2Sapagka't ang Panginoong kataastaasan #Deut. 7:21; Neh. 1:5. ay kakilakilabot;
# Mal. 1:14. Siya'y dakilang Hari sa buong lupa.
3 # Awit 18:47. Kaniyang pasusukuin ang mga bayan sa ilalim natin,
At ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa.
4Kaniyang ipipili tayo #1 Ped. 1:4. ng ating mana,
# Is. 16:15. Ang karilagan ni Jacob na kaniyang minahal. (Selah)
5 # 2 Sam. 6:15. Ang Dios ay napailanglang na may hiyawan,
Ang Panginoon na may tunog ng pakakak.
6Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa Dios, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri:
Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa ating Hari, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri.
7Sapagka't ang Dios #Zac. 14:9. ay Hari ng buong lupa:
# 1 Cor. 14:15. Magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa.
8 # Awit 22:28; Apoc. 19:6. Ang Dios ay naghahari sa mga bansa:
Ang Dios ay nauupo sa kaniyang banal na luklukan.
9Ang mga pangulo ng mga bayan ay nangapipisan
Upang maging bayan ng Dios ni Abraham;
Sapagka't ang mga #Awit 89:18. kalasag ng lupa ay ukol sa Dios;
Siya'y totoong bunyi.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 47: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya