MGA AWIT 19:7-9
MGA AWIT 19:7-9 ABTAG
Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa: Ang patotoo ng Panginoon ay tunay, na nagpapapantas sa hangal. Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid, na nagpapagalak sa puso: Ang utos ng Panginoon ay dalisay, na nagpapaliwanag ng mga mata. Ang takot sa Panginoon ay malinis, na nananatili magpakailan man: Ang mga kahatulan ng Panginoon ay katotohanan, at lubos na matuwid.



