Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 17

17
Panalangin laban sa mga manlulupig. Panalangin ni David.
1Dinggin mo ang matuwid, Oh Panginoon, pakinggan mo ang aking daing;
Ulinigin mo ang aking panalangin, na hindi lumalabas sa mga magdarayang labi.
2Manggaling sa iyong harapan ang aking kahatulan;
Masdan ng iyong mga mata #Awit 9:8; Is. 45:19. ang karampatan.
3Iyong sinubok ang aking puso; #Job 31:14. iyong dinalaw ako sa kinagabihan;
# Job 23:10; Awit 26:2; 1 Ped. 1:7. Iyong nilitis ako, at wala kang nasumpungan;
Ako'y nagpasiya na ang aking bibig ay hindi sasalangsang.
4Tungkol sa mga gawa ng mga tao, sa pamamagitan ng salita ng iyong mga labi.
Ako'y nagingat sa mga daan ng pangdadahas.
5Ang aking mga hakbang ay #Awit 119:133. nagsipanatili sa iyong mga landas,
Ang aking mga paa ay hindi nangadulas.
6 # Awit 116:2. Ako'y tumawag sa iyo, sapagka't ikaw ay sasagot sa akin, Oh Dios:
Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at dinggin mo ang aking pananalita.
7 # Awit 31:21. Ipakita mo ang iyong mga kagilagilalas na kagandahang-loob,
Oh ikaw na nagliligtas sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo.
Sa nagsisibangon laban sa kanila, sa pamamagitan ng iyong kanan.
8 # Deut. 32:10; Zac. 2:8. Ingatan mo ako na gaya ng itim ng mata,
# Ruth 2:12; Awit 36:7; 57:1, 4; Mat. 23:37; Luc. 13:34. Ikubli mo ako sa lilim ng iyong mga pakpak,
9Sa masama na sumasamsam sa akin,
Sa aking mga kaaway na nagsisipatay, na nagsisikubkub sa akin.
10 # Deut. 32:5; Awit 73:7. Sila'y nangabalot sa kanilang sariling taba:
Sila'y nangagsasalita ng kanilang bibig na #1 Sam. 2:3; Awit 31:18. may kapalaluan.
11 # 1 Sam. 23:26. Kanilang kinubkob nga kami sa aming mga hakbang:
Itinititig nila ang kanilang mga mata upang ibuwal kami sa lupa.
12Sila'y parang leon na masiba sa kaniyang huli,
At parang batang leon na nanunubok sa mga lihim na dako.
13Bumangon ka, Oh Panginoon,
Harapin mo siya, ilugmok mo siya:
Iligtas mo ang aking kaluluwa sa masama sa pamamagitan ng iyong tabak;
14Sa mga tao, sa pamamagitan ng iyong kamay, Oh Panginoon,
Sa mga tao ng sanglibutan, #Luc. 16:25; Sant. 5:5. na ang bahagi nila ay nasa buhay na ito,
At ang tiyan nila'y pinupuno mo ng iyong kayamanan:
Kanilang binubusog ang kanilang mga anak,
At iniiwan nila ang natira sa kanilang pagaari sa kanilang sanggol.
15 # 1 Juan 3:2. Tungkol sa akin, aking mamasdan ang iyong mukha sa katuwiran:
# Awit 4:6, 7; 16:11. Ako'y masisiyahan #Dan. 12:2. pagka bumangon sa iyong wangis.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 17: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya