Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 143

143
Panalangin upang iligtas at akayin. Awit ni David.
1Dinggin mo ang dalangin ko Oh Panginoon; pakinggan mo ang aking mga pamanhik:
Sa iyong pagtatapat ay #Awit 31:1. sagutin mo ako, at sa iyong katuwiran.
2 # Job 14:3. At huwag kang masok sa kahatulan na kasama ng iyong lingkod;
Sapagka't sa iyong paningin ay #Ex. 34:7; Job 9:2; 25:4; Awit 130:3; Rom. 3:20; Gal. 2:16. walang taong may buhay na aariing ganap.
3Sapagka't pinagusig ng kaaway ang kaluluwa ko;
Kaniyang sinaktan ang aking buhay ng lugmok sa lupa:
Kaniyang pinatahan ako #Awit 88:6. sa mga madilim na dako, gaya ng mga namatay nang malaon.
4Kaya't ang aking diwa ay nanglulupaypay sa loob ko;
Ang puso ko sa loob ko ay bagbag.
5 # Awit 77:11. Aking naaalaala ang mga araw ng una;
Aking ginugunita ang lahat mong mga gawa:
Aking binubulay ang gawa ng iyong mga kamay.
6 # Job 11:13. Iginawad ko ang aking mga kamay sa iyo:
# Awit 42:2; 63:1. Ang aking kaluluwa ay nananabik sa iyo, na parang uhaw na lupain. (Selah)
7Magmadali kang sagutin mo ako, Oh Panginoon; ang diwa ko'y nanglulupaypay:
Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin;
Baka ako'y maging gaya nila na nagsibaba sa hukay.
8Iparinig mo sa akin ang iyong kagandahang-loob #Awit 5:3. sa kinaumagahan;
Sapagka't sa iyo ako tumitiwala:
# Awit 25:4. Ipabatid mo sa akin ang daan na aking dapat lakaran;
Sapagka't itinaas ko ang aking kaluluwa sa iyo.
9Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa aking mga kaaway:
Tumatakas ako sa iyo upang ikubli mo ako.
10 # Awit 25:4, 5. Turuan mo akong gumawa ng iyong kalooban;
Sapagka't ikaw ay aking Dios:
# Neh. 9:20; Awit 51:11, 15. Ang iyong Espiritu ay mabuti;
Patnubayan mo ako #Awit 27:11; Is. 26:10. sa lupain ng katuwiran.
11Buhayin mo ako, Oh Panginoon, #Awit 25:11; 71:20. dahil sa iyong pangalan:
Sa iyong katuwiran ay ilabas mo ang aking kaluluwa sa kabagabagan,
12At sa iyong kagandahang-loob ay #Awit 54:5. ihiwalay mo ang aking mga kaaway,
At lipulin mo ang lahat na nagsisidalamhati sa aking kaluluwa;
Sapagka't #Awit 116:16. ako'y iyong lingkod.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 143: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya