Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 11

11
Ang Panginoon ay kanlungan. Sa Pangulong manunugtog. Awit ni David.
1Sa Panginoon ay #Awit 56:11. nanganganlong ako:
# 1 Sam. 23:14, 19; 26:19, 20. Ano't inyong sinasabi sa aking kaluluwa,
Tumakas ka na gaya ng isang ibon sa iyong bundok?
2Sapagka't, #Awit 7:12; 64:4. narito, binalantok ng masama ang busog,
Kanilang inihahanda ang kanilang palaso sa bagting, Upang kanilang mapahilagpusan sa kadiliman ang matuwid sa puso,
3 # Awit 75:3; 82:5. Kung ang mga patibayan ay masira,
Anong magagawa ng matuwid?
4 # Hab. 2:20. Ang panginoon ay nasa kaniyang banal na templo,
Ang Panginoon, ang kaniyang luklukan ay nasa langit;
Ang kaniyang mga mata ay nagmamalas, ang kaniyang mga talukap-mata ay nagmamasid, sa mga anak ng mga tao.
5 # Gen. 22:1; Sant. 1:12. Sinusubok ng Panginoon ang matuwid;
Nguni't ang masama at ang umiibig ng pangdadahas ay kinapopootan ng kaniyang kaluluwa.
6 # Gen. 19:24. Sa masama ay magpapaulan siya ng mga silo;
Apoy at azufre at nagaalab na hangin ay #Awit 75:8. magiging bahagi ng kanilang saro.
7Sapagka't ang Panginoon ay matuwid; #Awit 45:7. minamahal niya ang katuwiran:
# Job 36:7; 1 Ped. 3:12. Mamasdan ng matuwid ang kaniyang mukha.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 11: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya