MGA KAWIKAAN 2:12-15
MGA KAWIKAAN 2:12-15 ABTAG
Upang iligtas ka sa daan ng kasamaan, Sa mga taong nagsisipagsalita ng mga masamang bagay; Na nagpapabaya ng mga landas ng katuwiran, Upang magsilakad sa mga daan ng kadiliman; Na nangagagalak na magsigawa ng kasamaan, At nangaaaliw sa mga karayaan ng kasamaan, Na mga liko sa kanilang mga lakad, At mga suwail sa kanilang mga landas


