Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 12

12
Iba't ibang kawikaan. Pinagpaparis ang matuwid at ang masama.
1Sinomang umiibig ng kasawayan ay umiibig ng kaalaman:
Nguni't siyang nagtatanim sa kasawayan ay hangal.
2 # Kaw. 8:35. Ang mabuting tao ay magtatamo ng lingap ng Panginoon:
Nguni't kaniyang parurusahan ang taong may masasamang katha.
3Ang tao ay hindi matatag sa pamamagitan ng kasamaan:
# Kaw. 10:25. Nguni't ang ugat ng matuwid ay hindi makikilos.
4 # Kaw. 31:23; 1 Cor. 11:7. Ang mabait na babae ay putong sa kaniyang asawa:
Nguni't siyang nakahihiya ay parang #Kaw. 14:30. kabulukan sa kaniyang mga buto.
5Ang mga pagiisip ng matuwid ay ganap:
Nguni't ang mga payo ng masama ay magdaraya.
6 # Kaw. 1:11. Ang mga salita ng masama ay mga bakay sa dugo:
Nguni't ililigtas sila ng bibig ng matuwid.
7Ang masama ay #Awit 37:36, 37; Kaw. 11:21; Mat. 7:24-27. inilulugmok at nawawala:
Nguni't ang sangbahayan ng matuwid ay tatayo.
8Pupurihin ang tao ayon sa kaniyang karunungan:
Nguni't ang masama sa puso ay hahamakin.
9Maigi siyang pinahahalagahan ng kaunti, at may alipin,
Kay sa nagmamapuri, at kinukulang ng tinapay.
10 # Deut. 25:4. Ang matuwid ay nagpapakundangan sa buhay ng kaniyang hayop:
Nguni't ang mga kaawaan ng masama ay mabagsik.
11 # Kaw. 28:19. Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay:
Nguni't siyang sumusunod sa taong walang kabuluhan ay walang unawa.
12Ninanasa ng masama ang lambat ng mga masamang tao:
Nguni't ang ugat ng matuwid ay nagbubunga.
13Nasa pagsalangsang ng mga labi ang silo sa mga masamang tao:
# Kaw. 21:23; 2 Ped. 2:9. Nguni't ang matuwid ay lalabas sa kabagabagan.
14 # Kaw. 13:2; 18:20. Ang tao ay #Kaw. 1:31; 11:30; Is. 3:10. masisiyahan ng buti sa pamamagitan ng bunga ng kaniyang bibig;
At ang mga gawain ng mga kamay ng tao ay babayaran sa kaniya.
15 # Kaw. 3:7; 16:2. Ang lakad ng mangmang ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata:
Nguni't siyang pantas ay nakikinig sa payo.
16 # Kaw. 29:11. Ang yamot ng mangmang ay agad nakikilala:
Nguni't ang mabait na tao ay nagtatakip ng kahihiyan.
17Ang nagbabadya ng katotohanan ay nagpapakilala ng katuwiran,
Nguni't ang sinungaling sa saksi ay nagdadaya.
18 # Awit 57:4; 59:7; 64:4; 120:4. May nagsasalitang madalas na parang saliwan ng tabak:
Nguni't ang dila ng pantas ay kagalingan.
19Ang labi ng katotohanan ay matatatag kailan man.
# Awit 52:4, 5; Kaw. 19:9. Nguni't ang sinungaling na dila ay sa sangdali lamang.
20Pagdaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan:
Nguni't sa mga tagapayo ng kapayapaan ay kagalakan.
21 # Awit 34:21; Rom. 8:28. Walang mangyayaring kapahamakan sa matuwid:
Nguni't ang masama ay mapupuno ng kasamaan.
22 # Kaw. 6:16, 17; 11:20; Apoc. 22:15. Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Nguni't ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran.
23 # Kaw. 13:16; 15:2. Ang taong mabait ay nagkukubli ng kaalaman:
Nguni't ang puso ng mga mangmang ay nagtatanyag ng kamangmangan.
24 # Kaw. 10:14. Ang kamay ng masipag ay magpupuno:
Nguni't ang tamad ay malalagay sa pagatag.
25 # Kaw. 15:13. Ang kabigatan sa puso ng tao ay nagpapahukot;
Nguni't ang mabuting salita ay nagpapasaya.
26Ang matuwid ay patnubay sa kaniyang kapuwa:
Nguni't ang lakad ng masama ay nakapagpapaligaw.
27Ang tamad ay hindi nagiihaw ng kahit kaniyang napapangasuhan;
Nguni't ang mahalagang pagaari ng tao ay sa mga masisipag.
28Nasa daan ng katuwiran ang buhay;
At sa kaniyang landas ay walang kamatayan.

Kasalukuyang Napili:

MGA KAWIKAAN 12: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya