Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 28

28
1 # Mar. 16:1-8; Luc. 24:1-10. Nang magtatapos ang araw ng sabbath, nang #Juan 20:1. nagbubukang liwayway na ang unang araw ng sanglinggo, ay nagsiparoon si Maria Magdalena #Mat. 27:56, 61; Mar. 16:1; Luc. 24:10. at ang isa pang Maria upang tingnan ang libingan.
2At narito, lumindol ng malakas; sapagka't bumaba mula sa langit #Mar. 16:5; Luc. 24:4; Juan 20:12. ang isang anghel ng Panginoon, at naparoon at iginulong ang bato, at nakaupo sa ibabaw nito.
3Ang kaniyang anyo ay tulad sa kidlat, at ang kaniyang pananamit ay maputing parang niebe:
4At sa takot sa kaniya'y nagsipanginig #Mat. 27:65, 66. ang mga bantay, at nangaging tulad sa mga taong patay.
5At sumagot ang anghel at sinabi sa mga babae, Huwag kayong mangatakot; sapagka't nalalaman ko na inyong hinahanap si Jesus na ipinako sa krus.
6Siya'y wala rito; sapagka't siya'y nagbangon, #Mat. 27:63. ayon sa sinabi niya. Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang dakong kinalagyan ng Panginoon.
7At magsiyaon kayong madali, at sa kaniyang mga alagad ay sabihin ninyo, Siya'y nagbangon sa mga patay; at narito, siya'y #Mat. 26:32. nangunguna sa inyo sa Galilea; doon makikita ninyo siya: narito, nasabi ko na sa inyo.
8At sila'y nagsialis na madali sa libingan na taglay ang #Mar. 16:8, 10. takot at ang malaking galak, at nagsitakbo upang ibalita sa kaniyang mga alagad.
9At narito, sila'y sinalubong ni #Mar. 16:9; Juan 20:14. Jesus na nagsasabi, Mangagalak kayo. At sila'y nagsilapit at niyakap ang kaniyang mga paa, at siya'y sinamba.
10Nang magkagayo'y sinabi sa kanila ni Jesus, Huwag kayong mangatakot: magsiyaon kayo at #Juan 20:17. sabihin ninyo sa aking mga kapatid na magsiparoon sa Galilea, at doo'y makikita nila ako.
11Samantala ngang sila'y nagsisiparoon, narito, ang ilan sa #Mat. 27:65, 66. mga bantay ay nagsiparoon sa bayan, at ibinalita sa mga pangulong saserdote ang lahat ng mga bagay na nangyari.
12At nang sila'y mangakipagkatipon na sa matatanda, at makapagsanggunian na, ay nangagbigay sila ng maraming salapi sa mga kawal,
13Na nangagsasabi, Sabihin ninyo, Nagsiparito nang gabi ang kaniyang mga alagad, at siya'y kanilang ninakaw samantalang kami'y nangatutulog.
14At kung ito'y dumating sa tainga #Mat. 27:2. ng gobernador, ay siya'y aming hihikayatin, at kayo'y aming ilalagay sa panatag.
15Kaya't kinuha nila ang salapi, at kanilang ginawa alinsunod sa pagkaturo sa kanila: at ang pananalitang ito ay kumalat sa gitna ng mga Judio, at nananatili #Mat. 27:8. hanggang sa mga araw na ito.
16Datapuwa't nagsiparoon ang labingisang alagad sa Galilea, sa bundok #tal. 7. na sa kanila'y itinuro ni Jesus.
17At nang siya'y kanilang makita, ay kanilang sinamba siya; datapuwa't ang ilan ay nangagalinlangan.
18At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, #Mat. 11:27; 1 Cor. 15:27; Ef. 1:10, 20-23; Fil. 2:9, 10. Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.
19 # Mar. 16:15, 16. Dahil dito magsiyaon nga kayo, #Is. 52:10; Luc. 24:47; Gawa 2:39. at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:
20Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at #Mat. 18:20. narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.

Kasalukuyang Napili:

MATEO 28: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya