Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

LEVITICO 12

12
Ang paglilinis ng mga babae.
1At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, #Lev. 15:19.Kung ang babae ay maglihi, at manganak ng isang lalake, ay magiging karumaldumal na pitong araw; ayon sa mga araw ng karumihan ng kaniyang sakit, ay magiging karumaldumal.
3 # Gen. 17:12; Luc. 1:59; 2:21; Juan 7:22, 23. At sa ikawalong araw ay tutuliin ang bata sa laman ng kaniyang balat ng masama.
4At siya'y mananatiling tatlong pu't tatlong araw na maglilinis ng kaniyang dugo; huwag siyang hihipo ng anomang bagay na banal, o papasok man sa santuario, hanggang sa matupad ang mga araw ng kaniyang paglilinis.
5Nguni't kung manganak siya ng babae, ay magiging karumaldumal nga siya na dalawang linggo, ayon sa kaniyang karumihan: at mananatiling anim na pu't anim na araw na maglilinis ng kaniyang dugo.
6 # Luc. 2:22. At pagkaganap niya ng mga araw ng kaniyang paglilinis, maging sa anak na lalake o sa anak na babae, ay magdadala siya ng isang kordero ng unang taon, na pinaka handog na susunugin, at isang inakay ng kalapati o isang batobato na pinakahandog dahil sa kasalanan, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, sa saserdote;
7At kaniyang ihahandog sa harap ng Panginoon, at itutubos sa kaniya; at siya'y malilinis sa agas ng kaniyang dugo. Ito ang kautusan tungkol sa nanganak ng lalake o ng babae.
8At kung ang kaniyang kaya ay hindi sapat upang magdala ng kordero, ay kukuha nga siya ng #Lev. 1:14; 5:7; Luc. 2:24.dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati; ang isa'y pinaka handog na susunugin at ang isa'y pinakahandog dahil sa kasalanan: #Lev. 4:26.at itutubos sa kaniya ng saserdote, at siya'y magiging malinis.

Kasalukuyang Napili:

LEVITICO 12: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya