MGA KAWIKAAN 6:23-26
MGA KAWIKAAN 6:23-26 ABTAG01
Sapagkat ang utos ay tanglaw, at ang aral ay ilaw, at ang mga saway ng disiplina ay daan ng buhay; upang mula sa masamang babae ay maingatan ka, mula sa tabil ng dila ng mapangalunya. Huwag mong nasain sa iyong puso ang kanyang ganda, at huwag mong hayaang mahuli ka niya ng kanyang mga pilik-mata. Sapagkat ang masamang babae ay maaaring upahan ng isang pirasong tinapay, ngunit hinuhuli ng mangangalunya ang mahalagang buhay.

