Sapagkat ang aking mga pag-iisip ay hindi ninyo mga pag-iisip, ni ang inyong mga pamamaraan ay aking mga pamamaraan, sabi ng PANGINOON. Sapagkat kung paanong ang langit ay higit na mataas kaysa lupa, gayon ang aking mga pamamaraan ay higit na mataas kaysa inyong mga pamamaraan, at ang aking mga pag-iisip kaysa inyong mga pag-iisip. “Sapagkat kung paanong ang ulan at ang niyebe ay bumabagsak mula sa langit, at hindi bumabalik doon kundi dinidilig ang lupa, at ito'y pinasisibulan at pinatutubuan, at nagbibigay ng binhi sa maghahasik at pagkain sa kumakain, magiging gayon ang aking salita na lumalabas sa bibig ko; hindi ito babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganapin ang ayon sa layunin ko, at magtatagumpay sa bagay na kung saan ay sinugo ko ito. “Sapagkat kayo'y lalabas na may kagalakan, at papatnubayang may kapayapaan. Ang mga bundok at ang mga burol sa harapan ninyo ay magbubulalas ng pag-awit, at ipapalakpak ng lahat ng punungkahoy sa parang ang kanilang mga kamay. Sa halip na tinik, puno ng sipres ang tutubo; sa halip na dawag, tutubo ang punong mirtol; at ito'y magiging sa PANGINOON bilang isang alaala, para sa walang hanggang tanda na hindi maglalaho.”
Basahin ISAIAS 55
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: ISAIAS 55:8-13
3 Days
Ever been in a place where you’ve been confused about what God’s will is in a specific situation? This 3-day plan explores how we can find out His will - both, His general will, and His specific will for our lives.
5 Days
All of us need forgiveness. But too often we treat forgiveness like it’s optional, when in reality, it’s a prerequisite to grow in our faith. In this 5-day Plan, we’ll discover hope and truth from different biblical accounts about forgiveness as we receive it for ourselves and extend it to others.
5 Araw
Sa simula at kalagitnaan ng bawat taon, maglaan tayo ng panahon para sa pananalangin at pag-aayuno upang magpakumbaba sa harapan ng Diyos, magtalaga ng ating sarili sa Kanya, at sama-samang sumang-ayon sa pambihirang tagumpay na ibinibigay Niya. Ipinapakita ng Kanyang kamangha-manghang kadakilaan hindi lamang kung gaano Siya kalaki, kundi maging ang kakayahan Niyang magpakumbaba, at magpakababa nang mas mababa pa sa antas natin, upang tayo ay iligtas at paglingkuran.
Sa simula at kalagitnaan ng taon, tayo’y nagsasama-sama upang mag-ayuno at ipanalanging makilala ang Diyos sa buhay natin at ng mga tao sa paligid natin. Sa pangangaral ng Kanyang salita, binibigyan Niya tayo ng kakayahang maging daluyan ng mga himala para sa ating mga ugnayan at komunidad. Pag-isipan kung paano tayo ginagamit ng Diyos upang makilala Siya sa pamamagitan ng mga himalang nagpapalaganap ng Kanyang kaharian.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas