Mga Awit 80:1-2
Mga Awit 80:1-2 RTPV05
Pastol ng Israel, ikaw na nanguna't umakay kay Jose, na tulad sa kawan, ikiling sa amin ang iyong pandinig, kami ay pakinggan; mula sa trono mong may mga kerubin, kami ay tulungan. Ang iyong pag-ibig iyong ipadama sa angkan ni Efraim, Manases at Benjamin, sa taglay mong lakas, kami ay iligtas, sa hirap ay tubusin!





