Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pahayag 7

7
Ang 144,000 na Tinatakan sa Israel
1Pagkatapos#Jer. 49:36; Dan. 7:2; Zac. 6:5. nito, may nakita naman akong apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng daigdig. Pinipigil nila ang apat na hangin upang huwag munang umihip sa lupa, sa dagat o sa alinmang punongkahoy. 2At nakita kong umaakyat sa gawing silangan ang isa pang anghel, taglay ang pantatak ng Diyos na buháy. Sumigaw siya sa apat na anghel na binigyan ng Diyos ng kapangyarihang maminsala sa lupa at sa dagat, 3“Huwag#Eze. 9:4, 6. muna ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat o ang mga punongkahoy hangga't hindi pa natin nalalagyan ng tatak sa noo ang mga lingkod ng ating Diyos.” 4At sinabi sa akin ang bilang ng mga tinatakan, 144,000 buhat sa labindalawang lipi ng Israel. 5-8Labindalawang libo mula sa bawat lipi ng Israel: Juda, Reuben, Gad, Aser, Neftali, Manases, Simeon, Levi, Isacar, Zebulun, Jose, at Benjamin.
Ang mga Nagtagumpay Mula sa Lahat ng Bansa
9Pagkatapos nito'y nakita ko ang napakaraming tao na di kayang bilangin ninuman! Sila'y mula sa bawat bansa, lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit ng puti at may hawak na mga palaspas. 10Sinasabi nila nang malakas, “Ang kaligtasan ay nagmumula sa Kordero, at sa ating Diyos na nakaluklok sa trono!” 11Tumayo ang lahat ng anghel sa palibot ng trono, gayundin ang mga pinuno, at ang apat na nilalang na buháy. Sila'y nagpatirapa sa harap ng trono at sumamba sa Diyos. 12Sinasabi nila, “Amen! Sa ating Diyos ang papuri, kaluwalhatian, karunungan, pasasalamat, karangalan, kapangyarihan, at lakas magpakailanman! Amen.”
13Tinanong ako ng isa sa mga pinuno, “Sino ang mga taong nakadamit ng puti, at saan sila nanggaling?”
14“Ginoo,#Dan. 12:1; Mt. 24:21; Mc. 13:19. kayo po ang nakakaalam,” ang sagot ko.
At sinabi niya sa akin, “Sila ang mga nagtagumpay sa gitna ng matinding kapighatian. Nilinis nila at pinaputi sa dugo ng Kordero ang kanilang damit. 15Iyan ang dahilan kung bakit sila ay nasa harap ng trono ng Diyos at naglilingkod sa kanya sa templo araw at gabi. At ang nakaupo sa trono ang siyang kukupkop sa kanila. 16Hindi#Isa. 49:10. na sila magugutom ni mauuhaw man; hindi na rin sila mabibilad sa araw ni mapapaso ng anumang matinding init, 17sapagkat#Awit 23:1; Eze. 34:23; Awit 23:2; Isa. 49:10; Isa. 25:8. ang Korderong nasa gitna ng trono ang magiging pastol nila. Sila'y gagabayan niya sa mga bukal ng tubig na nagbibigay-buhay, at papahirin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata.”

Kasalukuyang Napili:

Pahayag 7: MBB05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya