Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Job 40

40
1Sinabi ni Yahweh kay Job,
2“Ang mapaghanap ba ng mali ay mangangatwiran,
at sa Makapangyarihan ay makikipaglaban?
Sinumang sa Diyos ay nakikipagtalo,
ay dapat sumagot sa tanong na ito.”
3Tumugon naman si Job,
4“Narito, ako'y hamak at walang kabuluhan,
wala akong maisasagot, bibig ay tatakpan.
5Sa panig ko'y nasabi na ang lahat ng sasabihin,
ako'y di na kikibo, nasabi'y di na uulitin.”
Ang Kapahayagan ng Kapangyarihan ng Diyos
6Buhat sa bagyo, sinagot ni Yahweh si Job,
7“Tumayo ka ngayon at magpakalalaki,
tanong ko'y sagutin, ikaw ay magsabi.
8Ako pa ba ang nais mong palabasing masama
upang iyong palitawin na ikaw ang siyang tama?
9Ang iyong lakas ba ay katulad ng sa Diyos?
Tinig mo ba'y dumadagundong, katulad ng kulog?
10Kung gayon, balutin mo ang sarili ng dangal at kadakilaan,
magbihis ka muna ng luwalhati't kaningningan.
11Ibuhos mo nga ang tindi ng iyong poot,
at ang mga palalo'y iyong ilugmok.
12Subukin mong pahiyain ang mga palalo,
at ang masasama'y tapakan sa kanilang puwesto.
13Ibaon mo silang lahat sa ilalim ng lupa,
sa daigdig ng mga patay sila'y itanikala.
14Kung iyan ay magawâ mo, maniniwala ako sa iyo
na kaya mong magtagumpay sa sariling kakayahan mo.
15“Ang dambuhalang hayop ay tingnan mo,
gaya mo'y nilikha ko dito sa mundo.
Ito'y parang baka kung kumain ng damo.
16Ang lakas niya'y naiipon sa kanyang katawan;
ang kapangyarihan, sa himaymay ng kanyang laman.
17Ang tigas ng buntot niya ay sedar ang katulad,
ang kanyang mga hita'y siksik at matatag.
18Parang tanso ang kanyang mga buto,
sintigas ng bakal ang kanyang mga braso.
19“Siya ay pangunahin sa mga nilikha,
ngunit magagapi nang sa kanya'y lumikha.
20Siya'y nanginginain doon sa mga bundok,
doon sa tirahan ng kapwa niya hayop.
21Siya'y doon lumalagi sa ilalim ng tinikan,
nakatago sa gitna ng mga talahib sa putikan.
22Sanga ng mga puno ang sa kanya'y tumatakip,
sa kanya'y nakapaligid sa tabi nitong batis.
23Hindi siya natatakot lumakas man ang agos;
ang Jordan man ay lumalim, mahinahon pa rin kung kumilos.
24Siya kaya ay mahuli sa pamamagitan ng bingwit,
makuha kaya siya sa ilong sa pamamagitan ng kawit?

Kasalukuyang Napili:

Job 40: MBB05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya