Nang ako'y tumingala, naramdaman ko ang malakas na hanging nagmumula sa hilaga at nakita ko ang makapal na ulap na naliligid ng liwanag. Tuwing kikidlat, may isang bagay na kumikislap, parang makinang na tanso. Sa sentro ng bagyong ito, may apat na nilalang na buháy na anyong tao. Sila'y may tig-aapat na mukha at pakpak. Tuwid ang kanilang mga binti. Ang mga paa nila'y parang paa ng guya at tila makinang na tanso. Nasa ilalim ng kanilang mga pakpak ang kanilang mga kamay na parang kamay ng tao. Magkakadikit ang kanilang mga pakpak. Hindi na sila kailangang pumihit saanman nila gustong pumunta sapagkat nakaharap sila kahit saan.
Basahin Ezekiel 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Ezekiel 1:4-9
25 Araw
Hindi nakinig ang mga tao sa mga salita ng babala ni Ezekiel na bumalik sa Diyos, kaya sa halip ay isinagawa niya ang apocalyptic na mga talinghaga, at tumagos ito sa puso ng mga tao. Araw-araw na paglalakbay kay Ezekiel habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas