Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ruth 1:14-18

Ruth 1:14-18 ASD

At umiyak na naman sila nang malakas. Pagkatapos, hinalikan ni Orpa ang biyenan niya at umuwi, habang si Ruth naman ay nagpaiwang kasama ni Naomi. Sinabi ni Naomi, “Bumalik na ang bilas mo sa mga kababayan niya at sa kanyang diyos, kaya sumáma ka na rin sa kanya.” Ngunit sumagot si Ruth, “Huwag po ninyo akong piliting iwan kayo o talikuran, dahil kung saan kayo pupunta, doon din ako pupunta, at kung saan kayo titira, doon din po ako titira. Ang inyong mga kababayan ay magiging aking mga kababayan, at ang inyong Diyos ay Diyos ko rin. Kung saan kayo mamamatay, doon din po ako mamamatay at ililibing. Parusahan nawa ako ng PANGINOON nang mabigat kapag humiwalay ako sa inyo, maliban na lang kung ang kamatayan na ang maghihiwalay sa ating dalawa.” Nang makita ni Naomi na desidido si Ruth na sumáma sa kanya, tumahimik na lang siya.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Ruth 1:14-18