Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Roma 9:1-5

Mga Taga-Roma 9:1-5 ASD

Ngayon, bilang mananampalataya kay Kristo, may sasabihin ako sa inyo. Totoo ito at hindi ako nagsisinungaling. Sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ang aking konsensiya ang nagpapatunay na labis akong nalulungkot at nababalisa dahil sa mga kalahi at kababayan kong Hudyo. Kung puwede lang sanaʼy ako na lang ang sumpain ng Diyos at mahiwalay kay Kristo, maligtas lang sila. Bilang mga Israelita, itinuring sila ng Diyos na kanyang mga anak. Ipinakita niya sa kanila ang kanyang kadakilaan. Gumawa ang Diyos ng mga kasunduan sa kanila at ibinigay rin ang Kautusan sa kanila. Tinuruan sila ng tunay na pagsamba at maraming ipinangako ang Diyos sa kanila. Ang kanilang mga ninunoʼy mga pinili ng Diyos, at sa kanilang lahi nagmula ang Mesias nang siyaʼy maging tao. Siya ang Diyos na makapangyarihan sa lahat na dapat purihin magpakailanman! Amen.