Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Roma 8:2-4

Mga Taga-Roma 8:2-4 ASD

Sapagkat sa pakikipag-isa natin kay Kristo Hesus, pinalaya na tayo sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu na nagbibigay-buhay. Hindi nagawang alisin ng Kautusan ang kapangyarihan ng kasalanan dahil sa kahinaan ng tao na sundin ang mga utos. Ngunit nagawa ito ng Diyos nang isugo niya ang sarili niyang Anak sa anyo ng isang taong makasalanan upang alisin ang kapangyarihan ng kasalanan. Ginawa ito ng Diyos upang ang itinakda ng Kautusan ay matupad nating mga namumuhay sa patnubay ng Espiritu at hindi ayon sa ating makasalanang pagkatao.