Mga Taga-Roma 14:5-8
Mga Taga-Roma 14:5-8 ASD
May mga taong naniniwala na mas mahalaga ang isang araw kaysa sa ibang araw. May tao namang pare-pareho lang para sa kanya ang lahat ng araw. Hayaang magpasya ang bawat isa para sa kanyang sarili. Ang taong may pinapahalagahang araw ay gumagawa nito para sa Panginoon. At ang tao namang kumakain ng kahit anong pagkain ay gumagawa rin nito para sa Panginoon, dahil pinasasalamatan niya ang Diyos para sa kanyang pagkain. Ang hindi naman kumakain ng ilang klase ng pagkain ay gumagawa nito para sa Panginoon at nagpapasalamat din siya sa Diyos. Wala ni isa man sa atin ang nabubuhay o namamatay para sa sarili lamang. Kung tayoʼy nabubuhay, nabubuhay tayo para sa Panginoon, at kung tayoʼy mamamatay, mamamatay tayo para sa Panginoon. Kaya mabuhay man tayo o mamatay, tayoʼy sa Panginoon.

