Mga Taga-Roma 10:8-10
Mga Taga-Roma 10:8-10 ASD
Sa halip, sinasabi ng Kasulatan, “Ang salita ng Diyos ay malapit saʼyo; nasa bibig at puso mo.” Itoʼy walang iba kundi ang pananampalatayang ipinapangaral namin: na kung ipapahayag mo na si Hesus ay Panginoon at sasampalataya ka nang buong puso na muli siyang binuhay ng Diyos, maliligtas ka. Sapagkat itinuturing ng Diyos na matuwid ang taong sumasampalataya sa kanya nang buong puso. At kung ipapahayag niyang siyaʼy sumasampalataya, maliligtas siya.









