Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa aking Diyos sa pamamagitan ni Hesu-Kristo dahil sa inyong lahat, sapagkat balitang-balita ang inyong pananampalataya sa buong mundo. Ang Diyos, na pinaglilingkuran ko nang buong puso sa pamamagitan ng pangangaral ko ng Magandang Balita tungkol sa kanyang Anak, ang aking saksi sa kung gaano ko kayo kadalas idinadalangin. Palagi kong hinihiling sa Diyos na sanaʼy loobin niyang makapunta na rin ako diyan sa wakas. Nananabik akong makita kayo dahil nais kong ibahagi sa inyo ang espirituwal na kaloob na magpapatatag sa inyong pananampalataya. Ang ibig kong sabihin, magtutulungan tayo sa pagpapalakas ng pananampalataya ng isaʼt isa. Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ilang ulit ko nang binalak na pumunta riyan upang mayroon din akong maakay sa pananampalataya kay Kristo, tulad ng ginawa ko sa mga Hentil sa mga napuntahan kong lugar ngunit laging may humahadlang. Sapagkat obligado akong mangaral sa lahat ng tao: sa mga sibilisado at sa mga hindi, sa mga edukado at sa mga mangmang. Iyan ang dahilan kung bakit nais ko ring maipangaral ang Magandang Balita diyan sa inyo sa Roma. Hindi ko ikinakahiya ang Magandang Balita, dahil ito ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng lahat ng sumasampalataya, una ang mga Hudyo at gayon din ang mga Hentil. Sapagkat ipinapahayag sa Magandang Balita kung paano itinuturing ng Diyos na matuwid ang tao sa paningin niya. Itoʼy sa pamamagitan ng pananampalataya buhat sa simula hanggang sa wakas; gaya ng sinasabi sa Kasulatan, “Mabubuhay sa pananampalataya ang matuwid.”
Basahin Mga Taga-Roma 1
Makinig sa Mga Taga-Roma 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Taga-Roma 1:8-17
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas