Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Roma 1:2-4

Mga Taga-Roma 1:2-4 ASD

Ang Magandang Balitang itoʼy ipinangako ng Diyos noon sa pamamagitan ng mga propeta at nakasulat sa Banal na Kasulatan. Ang balitang itoʼy tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Hesu-Kristo. Sa kanyang pagiging tao ay isinilang siya sa lahi ni Haring David. At sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, siya ay binuhay mula sa mga patay at ibinigay sa kanya ang kapangyarihang nararapat sa kanya bilang Anak ng Diyos.