Mga Taga-Roma 1:1-6
Mga Taga-Roma 1:1-6 ASD
Mula kay Pablo na lingkod ni Kristo Hesus, na pinili at tinawag ng Diyos na maging apostol upang ipangaral ang kanyang Magandang Balita. Ang Magandang Balitang itoʼy ipinangako ng Diyos noon sa pamamagitan ng mga propeta at nakasulat sa Banal na Kasulatan. Ang balitang itoʼy tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Hesu-Kristo. Sa kanyang pagiging tao ay isinilang siya sa lahi ni Haring David. At sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, siya ay binuhay mula sa mga patay at ibinigay sa kanya ang kapangyarihang nararapat sa kanya bilang Anak ng Diyos. Sa pamamagitan ni Kristo ay tinanggap namin ang pribilehiyong maging apostol, alang-alang sa kanya, upang madala namin sa pananampalataya at pagsunod sa kanya ang mga Hentil. At kayong mga mananampalataya diyan sa Roma ay kabilang din sa kanyang mga tinawag na maging pag-aari ni Hesu-Kristo.

