Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pahayag 21:22-27

Pahayag 21:22-27 ASD

Wala akong nakitang templo sa lungsod na iyon, dahil ang pinaka-templo ay walang iba kundi ang Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat at ang Kordero. Hindi na kailangan ang araw o ang buwan sa lungsod dahil ang kaluwalhatian ng Diyos ang nagbibigay ng liwanag, at ang Kordero ang ilaw doon. Ang ilaw ng lungsod na iyon ay magbibigay-liwanag sa mga bansa. At dadalhin doon ng mga hari sa mundo ang mga kayamanan nila. Palaging bukás ang mga pinto ng lungsod sapagkat wala nang gabi roon. Ang magaganda at mamahaling bagay ng mga bansa ay dadalhin din sa lungsod na iyon. Ngunit hindi makakapasok doon ang anumang bagay na marumi sa paningin ng Diyos, ang mga gumagawa ng mga bagay na nakakahiya, at ang mga sinungaling. Ang mga makakapasok lang doon ay ang mga taong nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay ng Kordero.