Pahayag 12:14-16
Pahayag 12:14-16 ASD
Ngunit binigyan ang babae ng dalawang pakpak na tulad sa malaking agila upang makalipad sa isang lugar sa ilang na inihanda para sa kanya. Doon siya aalagaan sa loob ng tatloʼt kalahating taon, malayo at ligtas sa dragon. Kaya mula sa bibig ng dragon, nagbuga ito ng tubig, na parang ilog upang tangayin ang babae sa agos nito. Ngunit tinulungan ng lupa ang babae. Bumuka ang bibig nito at hinigop ang tubig na galing sa bibig ng dragon.


