Pagkatapos, narinig ko ang malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi: “Dumating na ang kaligtasan at kapangyarihan, at ang kaharian ng Diyos at ang awtoridad ng Mesias. Sapagkat ang umaakusa sa ating mga kapatid na nagpaparatang sa kanila araw at gabi ay ibinagsak na sa mundo. Nagtagumpay na ang ating mga kapatid sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at ng kanilang patotoo. Hindi nila pinahalagahan ang kanilang buhay maging sa harap ng kamatayan. Kaya magalak kayong mga naninirahan sa kalangitan! Ngunit nakakakilabot ang sasapitin ninyo, kayong mga nasa lupa at dagat sapagkat bumaba na sa inyo ang diyablo. Siyaʼy puno ng galit sapagkat alam niyang ang oras niya ay maikli na lamang.” Nang makita ng dragon na itinapon na siya sa lupa, tinugis niya ang babaeng nanganak ng sanggol na lalaki. Ngunit binigyan ang babae ng dalawang pakpak na tulad sa malaking agila upang makalipad sa isang lugar sa ilang na inihanda para sa kanya. Doon siya aalagaan sa loob ng tatloʼt kalahating taon, malayo at ligtas sa dragon. Kaya mula sa bibig ng dragon, nagbuga ito ng tubig, na parang ilog upang tangayin ang babae sa agos nito. Ngunit tinulungan ng lupa ang babae. Bumuka ang bibig nito at hinigop ang tubig na galing sa bibig ng dragon. Lalo pang nagalit ang dragon kaya nilusob niya ang iba pang mga anak ng babae. Itoʼy walang iba kundi ang mga taong sumusunod sa mga utos ng Diyos at sa mga katotohanang itinuro ni Hesus.
Basahin Pahayag 12
Makinig sa Pahayag 12
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Pahayag 12:10-17
7 Araw
Yung mga kwento mo about your relationship with Jesus and the way you live like Jesus can bring freedom, healing and hope to others. Pwede kang maging confident to tell great stories and live a great life dahil nasa'yo ang Holy Spirit! Let's look together at how you can live and share the best story of all time!
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas