Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 87

87
Salmo 87#87 Salmo 87 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ng mga anak ni Kora.
Papuri sa Jerusalem
1-2Itinayo ng Panginoon ang lungsod ng Jerusalem#87:1-2 Jerusalem: o, Zion. sa banal na bundok.
Mahal niya ang lungsod na ito kaysa sa lahat ng lugar sa Israel.#87:1-2 Israel: sa Hebreo, Jacob.
3Magagandang bagay ang kanyang sinasabi tungkol sa lungsod na ito.
4 Sabi niya, “Kung ililista ko ang mga bansang kumikilala sa akin,
isasama ko ang Egipto,#87:4 Egipto: sa Hebreo, Rahab. Ito ang tawag sa dragon na sumisimbolo sa Egipto. ang Babilonia, pati na ang Filistia, Tyre at Etiopia.
Ibibilang ko ang kanilang mga mamamayan na tubong Jerusalem.”
5Ito nga ang masasabi sa Jerusalem, na maraming tao ang ibibilang na tubong Jerusalem.
At ang Kataas-taasang Dios ang siyang magpapatatag ng lungsod na ito.
6Ililista ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan
at isasama rin niya ang maraming taong ibibilang niyang mga tubong Jerusalem.
7Silang lahat ay magsisiawit ng, “Ang lahat ng ating mga pagpapala ay sa Jerusalem nagmula!”

Kasalukuyang Napili:

Salmo 87: ASND

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya