Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 87

87
Salmo 87
Awit na isinulat ng mga anak ni Kora.
1Itinayo ng Panginoon ang lungsod ng Jerusalem#87:1 Jerusalem: O Zion.
sa banal na bundok.
2Mahal niya ang lungsod na ito
kaysa sa lahat ng lugar sa Israel.#87:2 Israel: Sa Hebreo, Jacob.
3Magagandang bagay ang kanyang sinasabi
tungkol sa lungsod na ito.
4Sabi niya, “Kung ililista ko
ang mga bansang
kumikilala sa akin,
isasama ko ang Ehipto,#87:4 Ehipto: Sa Hebreo, Rahab. Ito ang tawag sa dragon na sumisimbolo sa Ehipto. ang Babilonia,
pati na ang Filistia, Tiro at Etiopia.
Ituturing kong tubong Jerusalem
ang kanilang mga mamamayan.”
5Ito nga ang masasabi tungkol sa Zion,
“Ang taong ito at iyon
ay tubong Jerusalem.
At ang Kataas-taasang Diyos
ang siyang magpapatatag
ng lungsod niyang ito.”
6Ililista ng Panginoon ang kanyang
mga mamamayan
at isasama rin niya ang maraming tao
na ituturing niyang mga tubong Jerusalem.
7Silang lahat ay magsisiawit ng,
“Ang lahat ng ating mga pagpapala
ay sa Jerusalem nagmula!”

Kasalukuyang Napili:

Salmo 87: ASD

Haylayt

Ibahagi

Paghambingin

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in